KABANATA 29 "SIGURADO bang walang nakakita sa 'yo no'ng sumakay sa kotse na 'yan?" Tapos na ang dinner date at pakiramdam ni Celeste ay na-drain nang husto ang energy niya dahil sa pakikipag utuan at pagpapanggap sa harapan ni Winston. Naupo siya sa backseat nang komportable matapos itapon sa kung saan ang dalang pouch. "Oo nga, paulit ulit, Israel! Para kang sirang radyo." Sarkastikong tugon niya sa kausap sa earpiece. Kaya naman nahuli niya rin ang mata ng driver ni Israel at ang isa pang bodyguard sa passenger seat na napasulyap sa kaniya. Biglang iniayos niya ang paraan ng pakikipagusap dito at naalalang ginagalang ito ng mga bodyguard na nakapalibot sa kaniya ngayon. "Alam na ng driver mo ang gagawin sa kotse na 'yan pagkatapos, just to make sure ipapa dispatsa ko na ang sasaky

