Chapter 19: Master Myoujin's Revenge

1595 Words
Myoujin’s POV  It’s been six years since nang huli kong makita si Yuffie. Nabaliw ako sa kakahanap sa kaniya at nasira ang aking ulo dahil sa pagkawala niya. Alam kong nasaktan ko siya pero hindi ito ang dahilan upang iwan niya lang ako ng ganito na lang. She is my slave and she will pay for her sins against me. Hindi man ito nagpaalam sa akin, magbabayad talaga siya sa’kin. Kahit na ibinalik pa niya ang kuwintas ni lola, sinira niya pa rin ang buhay ko. Sa ngayon nasa Pilipinas na ako at hindi negosyo ang ipinunta ko rito kung hindi ang paghihiganti. I hired private investigators and I am currently looking for that woman. When I find her, I will make sure she will be mine again. “Master Myoujin,” tawag sa akin ng aking private investigator. “Do you have a news or data about her?” “May nasagap po ako. Nasa Cebu raw po sila pero nang puntahan namin siya sa sinasabing address, heto lang po ang nakita namin.” Ipinakita niya ang picture sa akin at si Aling Cossang lang ang kanilang nakita. Tinawagan ko si Manong Ronaldo upang samahan niya ako sa Cebu. “Manong Ronaldo, come with me to Cebu City.” “Yes, Master,” saad niya sa akin. “Let’s ride my yacht to Cebu and get ready because we will pick up something.” Kasabay nito ang pagkasa ko sa aking baril at dinalaan ko ito. “If I can’t get you in the right way, I’ll take you by forcibly, Yuffie!” bulong ko sa aking sarili at tumawa ako ng malakas. Ilang sandali lang ay tumatawag sa akin si Megumi. Since kahit kami, I can’t have s*x with her at hindi ko kaya at dahil ang gusto lang ng katawan ko ay si Yuffie. Sa tuwing hinahanap ko ang katawan niya, I smell her uniform at hindi ko pinalabhan yo’ng damit niya hanggang ngayon. Yes, I am obsessed with her and I will not stop until she is with me again. “Why are you calling?” tanong ko sa kaniya habang nasa magkabilang linya kami. “I want to say I love you!” “That’s all?” “Kodomo ga hoshii.(Gusto ko ng magka-anak.)” “I am not ready, babe. I don’t want to have kids anymore.” “Doshite mo watashi to s*x shitai nai desu ka? (Bakit ayaw mong makipag-s*x sa'kin? )” “Like I said, I don’t want to have s*x with you anymore. Don’t tease me babe, or else I will breaking-up with you!’’ “Watashi o aishitemasu ka? (mahal mo ba ako?)” “Urusai (Tumigil ka!) You know my answer about how I feel about you.” Pinatay niya ang telepeno at kaya naging kami ni Megumi dahil na rin sa hiling ni Oji-san. Akala niya tuluyan ko nang nakalimutan ang taong nagpahirap sa akin. Naghanda na ako para sa pagpunta ko sa Cebu. Kinabukasan ay pumunta kami sa Cebu at natakot si Aling Cossang nang makita niya kaming paparating. Pinapasok niya kami sa bahay at wala akong nakitang letrato ni Yuffie sa kanilang bahay. “B-Bakit po kayo napabisita, master?” nanginginig na saad niya sa akin. “You know my purpose, right?” pang-iinsultong tugon ko sa kaniya. “Y-Yong kuwintas po ba?” Tumayo ako at tinutukan ko siya sa ulo ng aking baril. “I don’t care about that necklace. I am here because of your stupid daughter!” Nagulat si Aling Cossang sa aking isinaad at umiyak ito sa’king harapan. Lumuhod siya sa aking harapan at nagmakaawa. “Master Myoujin, tigilan ni’yo na po ako ang aking anak. Ako po ang may kasalanan ng lahat,” pagmamakaawa niya sa akin. Lalo kong diniinan ang pagkakatutok ng baril ko sa kaniya. “Kung hindi mo siya ipapakita, papatayin kita. Alam mo ba ang ginawa niya sa’kin, huh, Cossang!” Dumating ang bago niyang asawa at tinutukan siya ng baril ni Manong Ronaldo. “Nasaan si Yuffie?!” “H-Hindi ko po alam master!” wika niya habang pinagpapawisan ito nang malagkit dahil sa takot sa akin. Ipinutok ko ang baril ko sa gilid ng asawa niya at muntik nang matamaan ang asawa niya at saka ko ibinalik sa pagkakatutok ang baril ko kay Aling Cossang. “Sasabihin mo o papatayin ko ang asawa mo?!” “Sabihin mo na Cossang para manahimik na ang lahat!” sigaw na wika ng kaniyang asawa. “B-Bumalik na po siya ng Maynila kahapon!” sagot niya sa akin. “Is that true?!” “O-Opo, h-heto nga po ang ticket na iniwan niya upang sumama kami sa kaniya!” Nakita ko ang ticket ng barko at alam kong wala siyang cellphone upang makausap ko siya. Umalis na kami at bumalik na ako ng Maynila. “Ilan taon rin kitang pinapahanap, sa wakas kusa kang lumalapit ka sa akin Yuffie. Mahahanap din kita!” bulong ko sa aking sarili. End of POV Nag-apply si Yuffie sa Wikasa Wine Company. Namangha ang baklang interviewer sa kaniya. “Are you sure na janitress lang ina-applyan mo miss Gonzales?” pagtatakang tanong nito kay Yuffie. “Opo,” tugon naman nito. Tumingin ang interviewer sa kaniya mula ulo hanggang paa. “Kahit medyo marusing tingnan ang babaeng ito, napakaganda niya,” bulong ng interviewer sa kaniyang sarili. “Okay let’s see your documents. You are graduated at ALS program?” “Opo.” “Sa totoo lang approved ka as Janitress sa company pero hindi ko isasali ang paper mo sa mga utility. Gusto mo bang maging sales lady ng alak sa store ng isang branch ng Wikasa?” nakangiting saad ng interviewer sa kaniya. “S-Sige po!” nakangiting wika ni Yuffie sa kaniya. “Okay, miss Gonzales. Congratulations! You are hired and start ka na tomorrow. Pero secret lang natin to, huh, kahit huwag ka ng mag-pass ng requirements. Ilalagay kita sa pinakamalaking branch dito sa Manila.” Ibinigay na kay Yuffie ang mga uniform niya dahil sa kaniyang ganda ay inilagay siya as sales lady sa pinakamalaking branch sa Manila. Kinabukasan ay nag-umpisa na siya at maraming nagagandahan sa kaniya maliban doon ay kinausap siya ng manager ng Wikasa Wine Company. “You are so beautiful, Miss Gonzales. Would you like to be a model in our company? Like commercial model sa television,” namamanghang saad ng manager sa kaniya. Alam ni Yuffie na maraming kumukuha sa kaniya bilang model pero tulad ng dati pinag-iisipan niya muna. Ngunit dahil sa kahirapan gusto niya sana pero kailangan niya munang sabihin sa mama niya ang lahat ng desisyon na dapat niyang gawin. “Pag-iisipan ko po muna, sir,” saad niya sa manager. “Pag-isipan mo habang maaga then don’t miss the opportunity.” Kinagabihan ay umuwi na siya sa kaniyang apartment at hinatid naman ni Fiona ang kaniyang anak. “Salamat Fiona sa pagbabantay kay Yujin.” “Naku, walang anuman iyon. Work from home lang ako at para may kalaro si Mikasa.” Humiram naman ng cellphone si Yuffie upang tawagan si Aling Cossang. “Mama---” tawag ni Yuffie sa kabilang linya. Nagulat si Yuffie kung bakit umiiyak si Aling Cossang pero hindi niya sinabi na hinahanap siya ni Master Myoujin upang hindi mag-isip ang kaniyang anak. “Ma, bakit ka umiiyak?” takang pagtatanong ni Yuffie sa ina. “W-Wala anak, miss ko lang kayo ni Yujin.” “Naku, ma, ayos lang po kami rito. Natutulog na si Yujin ma.” “B-Bakit ka pala napatawag, anak?” “Ma, kinukuha akong model sa kumpanya ng Wikasa. Gusto ko sana ma dahil malaki ang kita at mapag-aaral ko na si Yujin.” Biglang nagalit si Aling Cossang. “Ayoko, Yuffie! Hindi na baleng maging magtatanim ka huwag lang nakikita sa t.v ang mukha mo!” “P-Pero ma----” “H-Hindi Yuffie, kung magiging matigas muli ang ulo mo, bumalik na lang kayo rito sa Cebu!” “S-Sige po ma, hindi ko na lang tatanggapin ang offer.” Alam ni Aling Cossang ang panganib sa buhay ng kaniyang anak. “P-Patawarin mo ako Yuffie kung hahadlangan ko ang gusto mo. Natatakot akong mapadali ang paghahanap ni Master Myoujin sa’yo. Kasalanan ko lahat ito-----” umiiyak na wika ni Aling Cossang sa kaniyang sarili. Isang araw ay nagulat si Alice dahil kasama ng kaniyang boyfriend na si Xu Kai si Master Myoujin. “M-Master Myoujin---” gulat na gulat na saad ni Alice sa kaniya. “Hi, Alice, it’s been a long time magmula nang huli tayong nagkita-kita nina Fiona.” “O-Oo nga po master eh. B-Buti po napasyal kayo?” “I visited Xu Kai. That’s all.” Umupo si Alice at nakipagkuwentuhan ito sa kaniya. “Hindi ko puwedeng sabihin kay Yuffie na bumalik si Master Myoujin. Ayokong magka-trauma ulit ang kaibigan ko at gagawa ako ng hakbang upang hindi niya makita sina Yujin at Yuffie,” bulong ni Alice sa kaniyang sarili. “Hey, may problema ba, Love?” tanong ni Xu Kai sa kaniya. “W-Wala love, nasurprise lang ako dahil lalong gumuwapo si master Myoujin,” pagsisinungaling ni Alice sa kanila. Tumawa lang si Myoujin sa kanila at tama nga si Alice na hindi pa rin nagbabago ang ugali niya. “Hey, master, how’s your girlfriend?” tanong ni Xu kai sa kaniya. “Well, okay naman kami,” tanging natugon niya sa kaniya. Hindi na binanggit ni Alice ang tungkol kay Yuffie dahil iniiwasan lang nito ang kahahantungan ng masamang mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD