Alice’s POV
It’s been six years ago na pala ang nakakaraan magmula nang huli naming makita si Yuffie. Kami ang nakakaalam ng kaniyang mga lihim na itinatago. Alam namin na nabuntis siya ni Master Myoujin at alam ko na mas higit na nasaktan ang aming kaibigan. Nasasaktan kaming dalawa ni Fiona para sa kaniya. Teenager pa lang kami at siya ang ikaunang nabuntis sa aming eskuwelahan pero walang nakakaalam kung hindi kami lang. Nang umalis si Yuffie, nakikita namin si Master Myoujin na balisa at hindi mapakali. Mas nauna siyang gumraduate sa amin dahil napaka-high intelligent ng utak niya at isang araw ay hindi naming inaasahan ang panganib sa aming buhay. May nagpadala sa aming isang sulat, ang sabi ng sulat ay pumunta kami sa likod ng eskuwelahan. Pumunta kami nina Fiona at nakita namin si Master Myoujin na may dinadalang baril. Natakot kaming dalawa at nagtangka kaming tumakbo pero pinaputukan kami niya ng baril, at binaril niya ang lupa. Muntik nang tamaan ang paa ni Fiona.
“Stay!” sigaw niyang dalawa sa amin.
Nanginginig kami at umiiyak dahil marunong pa lang kumitil ng buhay si Master Myoujin. Napakatalim ng kaniyang tingin sa amin.
“WHERE IS YUFFIE?!” sigaw at tanong niya sa amin habang nakatutok ang baril niya sa amin.
“We don’t know, master!” nanginginig na saad namin sa kaniya.
“Tell me or otherwise I will kill you two!”
“Like what we said Master Myoujin, we don’t know!”
Pinaputukan niya ulit ang baril sa tabi ko at tinutukan niya sa ulo ng baril si Fiona. Pinagpapawisan kami ng malamig at napaihi na ako sa aking palda. Nakakatakot siyang kaharap at nagtinginan kami ni Fiona habang nakatutok ang baril sa kaniyang ulo.
“Sabihin ni’yo na, alam ko kayo ang lagi nitong kasama!”
“Kahit lagi namin siyang kasama, hindi namin alam kung nasaan siya!”
Nagulat kami nang barilin niya ako sa kaliwang paa at sumigaw ako dahil sa sobrang sakit. Natakot ako dahil nagkalat ang dugo sa lupa.
“This is not a warning. One last question, where is Yuffie?!”
Biglang dumating si Manong Ronaldo at ang kaniyang daddy.
“Yamete Kudasai, Myoujin!” pagalit na saad ng kaniyang daddy.
“I’ll kill them kung hindi nila papalabasin si Yuffie, dad!”
“Ronaldo!” utos ng kaniyang daddy.
Sinugod ni Manong Ronaldo si Myoujin at sila ang naglaban. They are both good in martial arts. Nakakapagtaka dahil napakarami pa lang lihim ng mga Aki. Habang naglalaban ang dalawa, isinakay kami ng kotse ng daddy niya. Idinala nila ako sa hospital at humingi ng tawad ang daddy niya sa amin.
“My son is going crazy, sorry mga iha. Nabaliw na siya dahil sa pagkawala ni Yuffie, nakikiusap ako at sabihin ni’yo na sa amin kung nasaan siya,” pakiusap ng daddy niya sa amin.
Ngunit nangako kami kay Yuffie na hindi namin sasabihin kahit kanino kung nasaan sila at natatakot kami para sa kaniyang buhay at sa buhay sa kaniyang tiyan.
“Sorry, Mr. Aki. Pero hindi po namin alam kung nasaan si Yuffie dahil wala siyang sinasabi sa amin na aalis po sila ng kaniyang nanay,” pagsisinungaling ko at huminga ng malalim si Fiona at magmula ang insidenteng iyon wala na kami naging balita sa kanila.
Sa ngayon ay isa na kaming mga adults at ang trabaho ko ay isang nurse at si Fiona ay isa naman Inhenyera. Hindi namin sinunod ang aming parents dahil ang sabi ni Yuffie ay sundin namin ang aming puso. Mayroon din naman kaming business at lagi kong kasama ang boyfriend kong si Xu Kai. Till now wala kaming sinasabi sa kanila kung nasaan ba talaga si Yuffie. Si Ryuu at Fiona naman ay nagpakasal na sila at nagkaroon na silang baby. Kami naman ni Xu Kai ay mag-live in partner but Ryuu and Xu kai they are both doctors na. Kumusta na kaya si Yuffie dahil matagal na rin naming siyang hindi nakikita. Ano kaya ang itsura ng anak nila ni Master Myoujin, pero ang sabi sa text na ipinadala sa amin ni Yuffie babalik daw sila rito sa Manila. Kami na lang ang magsusundo sa kaniya at may nahanap na kaming apartment para sa kanilang dalawa kasama ng kaniyang anak.
Kinabukasan ay susunduin namin sila sa piyer ng barko dahil nanggaling pa sila ng Cebu. Napakalayo ng tinaguan nila at masaya kami nina Fiona dahil nakawala si Yuffie sa kamay ni Master Myoujin. Nakaabang lang kami ni Fiona sa daungan at sa wakas nakita na namin siya. Walang pinagbago ang mukha niya at katawan, kahit may anak na siya she is very sexy and her skin is white like a snow. In short mas gumanda siya ngayon at bitbit nito ang anak niya. He is very cute at laking gulat namin na kamukhang-kamukha siya ni Master Myoujin, tulad ng ama ng bata guwapo rin ito. Mapagkakamalan mo silang galing sa ibang bansa. Niyakap namin si Yuffie at ngumiti siya sa amin.
“Kumusta ka na, Yuffie?” tanong namin sa kaniya.
“Napaka-cute naman ni Yujin. Kamukhang-kamukha niya si---” naputol ang sinasabi ko dahil tinakpan ni Fiona ang bibig ko.
“Let’s go!” pag-aaya ni Fiona sa amin.
Kinumusta namin siya at ang sabi niya ay muntik na siyang namatay sa kaniyang panganganak. Hindi na kami nakakibo at bata pa kasi kami noon. Hindi rin naming sinabi sa kaniya na nabaliw si Master Myoujin sa kakahanap sa kaniya.
“Hey Yuffie, how’s your life in Cebu?” tanong ko sa kaniya.
“Ayos naman kami at kahit papaano nakakakain kami ni Yujin. Mahirap ang buhay sa probinsiya at hindi kami nagkakasya sa pagtitinda ko ng gulay sa palengke,” wika ni Yuffie sa amin.
“After mong nag-aral sa Waldstein, nagpatuloy ka bang mag-study roon?” tanong naman ni Fiona sa kaniya.
“Nag-ALS lang ako at programa iyon ng libreng edukasyon,” nakayukong wika niya sa amin.
Nakikita namin si Yujin na tahimik lang at nakatingin sa bintana.
“Welder Company!” saad niya.
“Y-Yuffie, marunong nang magbasa si Yujin?”
“Oo, marunong na siya. Wala man nagturo sa kaniya. Lagi siyang nagbabasa at gusto na niyang mag-aral pero natatakot ako dahil tulad ni Master Myoujin, advance ang level of thinking niya,” malungkot na wika sa amin ni Yuffie.
“Mapanganib ang sobrang talino, Yuffie. Nakikita mo si Master Myoujin, high school pa lang tayo marami na siyang pera at businesses. Ewan ko lang ngayon, sana huwag na siyang bumalik!” pagalit na wika ni Fiona.
“Siguro naman ay nakalimutan na ako no’n.”
“Hindi ka ba nagsisisi, Yuffie?”
“Hindi, dahil may anak naman ako. Kaya wala akong pinagsisihan na naging alipin ako sa kamay niya.”
Ngumiti siya at hindi namin namamalayan ay nakatulog na pala si Yujin. Hindi naman namin namalayan na malapit na pala kami sa apartment at nagpasya akong kami na muna ni Fiona ang magtutulungan para matulungan namin si Yuffie.
“Kalaki pala ng apartment ni’yo na kinuha ninyo para sa amin,” nakangiting wika ni Yuffie sa amin.
“Maliit pa nga ito,” saad naman ni Fiona.
“K-Kung may bakante sa mga office ni’yo kahit Janitress lang ang posisyon, ipasok niyo sana ako,” pakiusap ni Yuffie sa amin.
“Ay, oo nga pala. Sa Wikasa Wine Company napag-apply na kita roon start ka na sa Monday. Sa Factory iyon,” nakangiting saad ko sa kaniya.
“Salamat sa inyong dalawa,” nakangiting wika niya sa amin.
End of POV
May business partner si Myoujin sa Pilipinas, ang Wikasa Wine Company. Nais niyang bilhin kasi ang shares ng company nila. Pumayag naman ang may-ari at nabili niya nang ganoong kadali ang kumpanya. Nakipag-deal ito sa may-ari at ang pinahawak niya sa business nito ay si Sofia Waldstein na pinsan naman niya sa kaniyang ina.
“Are you sure Myoujin na ipapahawak mo sa akin ang company mo?” tanong ni Sofia sa kaniya.
“Yes. You will pretend to be the CEO of my company para walang makakaalam sa mga yaman ko. Papalabasin ko na iisa lang ang kumpanyang hinahawakan ko, besides, my original company is the Sochu Whiskey Company. I have many businesses, so, hindi ko na lahat sila maasikaso. Kaya ikaw na muna ang bahala rito sa isa,” seryosong wika niya sa kaniya.
“Magpakasal na kasi kayo nina Megumi para may katulong ka na sa buhay.”
“Actually, she is not the one I see to be my future wife.”
“But you’ve been in a relationship for a long time, haven’t you?”
“Yes, I know. Pero hindi ko pa siya kayang pakasalan.”
“Is it because of your past?”
“Hindi ko alam. That happened a long time ago.’’
“What if makita mo siya ulit?”
Bigla siyang tumayo at sinuntok ang mesa kasabay nito ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Natakot si Sofia dahil nakikita nito ang mukha ng galit ni Myoujin.
“We are not done with our agreement yet. I will charge her a lot for what she owes me. I will not stop her until she has tasted the punishment that she inflicted in me. I went crazy because of her!”
“But she returned your grandmother’s necklace, right?”
“That’s not enough for what she did to me!”
Ang hindi alam ni Yuffie na lumalaki ang galit ni Myoujin sa kaniya at nagpapanggap siya sa mga magulang niya na nakalimutan na niya nang tuluyan ang dalaga.
“Tandaan mo ito Yuffie, hindi pa ako tapos sa iyo. Ngayon ko na-realize na nagkamali ka sa pag-iwan mo sa’kin noon. Matitikman mo ang paghihiganti ko. Maliit lang ang Pilipinas, mahahanap at mahahanap pa rin kita! Ikaw ang dahilan kaya bumalik ako rito sa Pilipinas, para lamang singilin ka! I cannot forgive you, anymore!” bulong nito sa kaniyang sarili.