Nag-umpisa na sa pagtatrabaho si Yuffie upang may maibuhay sa kaniyang anak. Namasyal naman sina Fiona at Alice kasama nito ang anak nina Yuffie at Myoujin na si Yujin. Patakbo-takbo ang dalawang bata sa loob ng mall na sina Mikasa at Yujin.
“Yujin! Mikasa! mag-ingat kayo baka madapa kayo riyan,” saad naman ni Alice sa dalawang bata.
Nakita ni Yujin ang Japanese Restaurant sa loob ng mall at pumunta siya sa loob. Sinundan naman ng dalawang magkaibigan ang bata.
“Gusto mo bang kumain dito Yujin?” pagtatakang tanong ni Alice sa kaniya.
“Opo!” sagot naman ng bata.
“Pagbigyan na natin si Yujin, Fiona. Talagang nagmana siya sa kaniyang ama,” tumatawang wika naman ni Alice sa kaibigan.
“H-Hindi ba’t pagmamay-ari ni Master Myoujin ito?’’
“Oo, yata. Pero hayaan mo na, hindi naman nila alam na nanggaling sa Aki ang batang iyan.”
Nag-order na ang dalawang magkaibigan.
“Ang sarap pala ng food dito, Alice, kaya pala maraming pumunta!”
“Tama ka diyan. Mikasa at Yujin, dahan-dahan kayo baka mabulunan kayo.”
“Salamat po, napakasarap po, tita Alice at tita Fiona.”
“Walang-anuman Yujin, damihan mo lang ang pagkain mo,” nakangiting saad naman nina Alice at Fiona sa bata.
“Puwede po bang pagbaon natin si mama?” tanong ng bata sa kanila.
Inisip naman ng dalawa baka kung natikman ni Yuffie ang pagkain na nanggaling sa restaurant ni Myoujin, natatakot silang bumalik ang trauma niya na nanggaling sa nakaraan. Nagtinginan ang dalawang magkaibigan.
“N-Naku.. Yujin, busog na ang mama mo sa pinagtatrabauhan niya,” pagkukunwaring wika ni Fiona sa kaniya.
Sinikilan naman ni Alice si Fiona at nagkindatan ang dalawa.
“Sabihin mo lang Yujin kung gusto mo pa ng Damboru o Ramen,” saad naman ni Fiona sa kaniya.
“Sige po!” wika ng bata habang patuloy lang ito sa pagsubo ng pagkain.
Sa hindi inaasahan, bumisita naman ang nanay ni Myoujin sa kanilang restaurant. Yumuko ang lahat ng empleyado nila.
“Good afternoon po, Madam Daniela,” pagbati ng mga empleyado kay Daniela na nanay naman ni Myoujin.
Hindi naman pinapansin nina Fiona at Alice kung sino ang dumating sa restaurant. Patuloy ang pag-uusap ng dalawa. Umupo si Daniela sa isang espesyal na mesa at napansin niya ang isang bata na katabi nina Alice at Fiona.
“Mike, look at that boy,” saad ni Daniela kay Mike na manager ng restaurant.
“Who, madam?” pagtatakang wika ni Mike sa kaniya.
Itinuro ni Daniela si Yujin kay Mike.
“That boy,” sabay turo sa bata.
“Oh, kamukha siya ni Master Myoujin madam. They have only one face!” gulat na wika ni Mike sa kaniya.
“Parang si Myoujin noong bata siya. I miss those moments,” nakangiting sambit ni Daniela sa kaniya.
Naglakad si Daniela sa direksyon nina Yujin at pinisil nito ang mukha ng bata.
“Hi,” pagbati ni Daniela sa kanila.
Tumingin ang dalawa at batid nilang mommy ni Myoujin ang kanilang kaharap.
“Is this your child?” tanong nito kay Fiona.
“Y-Yes..Ma’am..” pagsisinungaling ni Fiona sa kaniya.
“Your child is very handsome. Kamukha siya ng aking anak na si Myoujin, talagang sa mundo hindi mo maiiwasan na may magkakamukha talaga,” nakangiting saad ni Daniela sa kaniya.
Tumingin ito kay Yujin at nagsalita.
“What is your name baby?” tanong nito kay Yujin.
“Yujin, po!” wika ng bata.
“Surprisingly, magkatunog kayo ng name ng anak ko!” nabigla at nakangiting saad ni Daniela sa bata.
Hindi maintindihan ni Daniela kung bakit napakagaan ng loob nito sa bata. Bago ito umalis, hinalikan nito sa pisngi si Yujin.
“See you again, Yujin,” wika ni Daniela sa kaniya.
Biglang tinawag ni Daniela si Mike.
“Mike!” tawag ni Daniela sa kaniya.
“Yes, Madam!”
“If Yujin and his family visits our restaurant, you just get everything he wants to eat for free.”
“No problem, madam.”
Humarap si Daniela kina Fiona at Alice.
“Here is my number, call me kapag pupunta kayo rito para makasama ko si Yujin.”
“Y-Yes M-Madam,” tanging nasagot ni Fiona sa kaniya.
“Can we take a selfie?” saad ni Daniel sa batang si Yujin.
Nagpa-picture sina Yujin at Daniela. Hinalikan nito sa pisngi ang bata. Umalis na sina Fiona at Alice sa restaurant at ipinag- take out pa ni Daniela ang dalawa.
“A-Alice huwag mong sabihin ang nangyari ngayong araw kay Yuffie,” seryosong wika ni Fiona sa kaniya.
“Oo,” tanging nasagot ni Alice sa kaniya.
Nakauwi naman si Daniela sa kanilang mansyon at nadatnan niya ang kaniyang asawa na nanunuod ng T.V. kasabay nito ang paghalik niya sa labi ng asawa niya.
“How’s your day, hon,” tanong naman ni Nishimura sa kaniya.
“I am good hon, wait may ipapakita ako sa’yo,” nakangiting saad naman sa kaniyang asawa.
Ipinakita ni Daniela ang picture nilang dalawa ni Yujin.
“Oh, oh, is this Myoujin? or face app na nakakapagpabata?”
Tumawa nang malakas si Daniela sa harapan ng kaniyang asawa.
“No, no, it is not a face app. Bata talaga ang kasama ko. Nabigla ako dahil kamukha siya ni Myoujin.”
“What a surprise. Kamukhang- kamukha talaga siya ni Myoujin noong bata pa siya.”
“I want to see that boy again.”
“How?”
“Sana ay tumawag sila. Gusto ko siyang ipasyal.”
“Naku, hon, hindi mo naman kilala ang batang iyan.”
“But I want to be with him.”
“Sana makita mo ulit sa mall.”
Niyakap muli nito ang kaniyang asawa at ginawa naman wallpaper ni Daniela as cellphone niya ang picture nilang dalawa ni Yujin.
“How cute he is…” nakangiting saad niya.
“Nagseselos na ako niyan hon,” pagbibiro ni Nishimura sa kaniya.
“Don’t be jealous hon, sana magka-apo na tayo kina Megumi at Myoujin.”
“Hope so, hon.”
Samantalang si Myoujin ay lagi niyang kasama sa office niya si Manong Ronaldo.
“May nabalitaan ka na ba?” seryosong tanong ni Myoujin sa kaniya.
“W-Wala pa po master,” tanging nasagot ni Ronaldo sa kaniya.
Biglang pumasok ang private investigator ni Myoujin sa kaniyang opisina.
“Master Myoujin---” tawag ng investigator niya at kasabay nito ang pagyuko nito sa kaniyang harapan.
“Any important news?” tanong ni Myoujin sa kaniya.
“Nothing master,” tanging nasagot nito.
“Why are you here?”
“For my payment sir.”
Kinasa nito ang baril niya at humarap siya sa investigator.
“Did you see this?” pang-iinsultong wika ni Myoujin sa kaniya.
“Y-Yes, master,” nanginginig na saad ng investigator niya.
“How much I spent on you for your poor job? Till now wala pa ako balita sa ipinapahanap ko. Six years ko na siyang ipinapahanap sa’yo and a million of peso na ang nagastos ko sa’yo!” pagalit na saad ni Myoujin sa kaniya.
“Sawa na ako sa’yo at nagsawa na rin akong umasa!” dagdag na wika ni Myoujin sa kaniya.
Tumingin ng masama si Myoujin kay Manong Ronaldo at bigla niyang ipinutok ang kaniyang baril. Namatay ang investigator dahil sa pagpatay ni Myoujin sa kaniya. Hindi na nabigla si Manong Ronaldo sa ikinikilos ng kaniyang master.
“Lima na yata ang taong kailangan kong linisin, master,” seryosong saad ni Manong Ronaldo sa kaniya.
Hinipan ni Myoujin ang kaniyang baril at huminga ito nang malalim.
“You know me, I’m going to kill those people who are stupid and useless,” saad nito sa kaniya.
“Clean that mess, Manong Ronaldo. You already know what to do,” dagdag na saad nito sa kaniya.
Nabalitaan naman ng kaniyang ibang private investigators ang kaniyang ginawang pagpatay sa kanilang kasamahan. Ipinatawag niya sila at mababakas mo ang takot sa kanilang mukha.
“I pay you all, am I right?” sarkastikong tanong niya sa kanila.
“Y-Yes M-Master M-Myoujin----” tugon nilang lahat.
“Do you want to die?” sarkastikong tanong muli nito sa kanila.
Umiling sila at lumuhod sila sa kaniyang harapan.
“Ok, do your job well!” pagalit na wika nito.
Ginawa nila ang kanilang mga trabaho at dahil sila ay natakot sa kanilang amo. Kinuha ni Myoujin ang uniform ni Yuffie at inamoy niya ito.
“You smell good, Yuffie. Alam ko hindi na lang damit mo ang aamuyin ko. You are mine!” pabulong na saad nito sa kaniyang sarili.
Nang umuwi sa kanilang mansyon si Myoujin nabigla ito dahil nakita niya ang kaniyang mommy na hinahawakan nito ang dating mga damit ni Yuffie.
“Tell me Myoujin, what are these? kay Yuffie ang mga ito, hindi ba?!” pagalit na saad nito sa kaniyang anak.
Kinuha nito ang mga damit ni Yuffie mula sa kamay ng kaniyang mommy.
“You don’t care mom!”
“Then, what are your plans?! Do you want to revenge on her?!”
“Urusai mom, huwag mo akong pakialaman!”
Umiyak nang umiyak si Daniela sa kaniyang harapan.
“All these years mom, I’ll admit and I haven’t forgotten her yet. Yes, I want to revenge on her for leaving me!”
“But matagal na iyon anak! Megumi is always there for you!”
“Mommy, please. Leave me.”
Ipinalabas nito ang kaniyang mommy at humiga sa kaniyang kama.
“Malapit na Yuffie,” saad nito sa kaniyang sarili.
Kinabukasan ay nagpasya siyang pumunta sa kaniyang isang kumpanya, ang Wikasa Wine Company. Pumunta siya sa pinakamalaking branch ng kaniyang kumpanya at kasama niya ang kaniyang pinsan na si Sofia sa paglilibot. Habang nakatalikod si Yuffie at nag-aayos ng paninda nilang alak ay biglang tumakbo si Myoujin sa dereksyon ng dalaga. Alam na alam ng binata ang pangangatawan ng dalaga kahit nakatalikod ito. Bigla niyang inakbayan si Yuffie at binulungan niya ito.
“Did you miss me, Yuffie?’’ sarkastikong bulong ng binata sa kaniya.
Nabitawan ng dalaga ang alak na dini-display nito sa istante at sanhi nito ang pagkabasag ng alak na kaniyang hawak.
“M-Master M-Myoujin A-Aki---” gulat na wika ng dalaga at hindi ito makagalaw sa kaniyang kinatatayuan kasabay nito ang panginginig ng kaniyang katawan.