"ANG mga shaman ay may kakayahang makipaglaban sa mga masasamang elemento at kaluluwa na nabubuhay rito sa mundo. Sila ang mga tao na kayang makipag-usap o makadaupang palad ang mga ligaw na kaluluwa na gumagala-gala rito. Tulad ng sinabi mo kanina, may nakalaban kang multo. Ang ibig sabihin n'yon, may kakayahan kang sugpuin ang mga alagad ng demonyo." Lutang sa ere ang isipan ni Chad habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi pa rin kasi maalis sa kaniyang utak ang mga katagang sinabi sa kaniya ng kaniyang tatay-tatayan na si Mang Tonyo. Isa shaman. Bagong-bago sa kaniyang pandinig ang salitang iyon. Buong akala niya kasi ay normal lang sa batang katulad niya noon na makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao. They say, when a child was playing alone by himself, he was playin

