"HOY!" Nakaagaw ng atensyon ang komosyong ginawa ni Chad sa mga empleyadong naroroon pero hindi sila nag-abalang harangan ang binata. Subalit sa pag-aakalang ang guard lang na naroroon ang maaaring humabol sa kaniya ay laking gulat nito nang may dalawa pang lumitaw sa harapan niya para harangan siya. Mabilis na nag-isip ng paraan ang binata para matakasan ang dalawa pang guwardiya. Sa 'di kalayuan ay napansin niya ang isang pasilyo at doon ay lumiko. "Dito tayo!" sambit niya kay Andrea. Tulad ng inaasahan, hinabol pa rin siya ng dalawang guwardiyang nakakita sa kaniya. Kailangan niyang mag-isip ng iba pang paraan para makaeskapo sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Kundi, pihadong hindi lang ang mga guwardiya ang tutugis sa kaniya.

