NGAYONG nagkaroon na ng pag-asang malutas ang misteryo sa pagkamatay ni Andrea, panahon naman sigruo para kay Chad ang ayusin niya. Kaya heto siya ngayon, kausap ang isang lalaki na makakatulong daw sa kaniya batay sa sinabi ng kaniyang amain na si Mang Tonyo — si Elias. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Hindi niya sigurado kung dapat ba niyang ipagkatiwala rito ang lahat o paniwalaan ang mga sasabihin nito. Pero kung ano't ano man, kailangan pa rin niya ng kasagutan. "Bagito ka pa lang," wika ni Elias nang makaupo si Chad sa harap niya. Bagito? Anong ibig niyang sabihin? Wala sa hinuha ni Chad ang mga sinasabing iyon ng lalaking kausap. Bagito, saang aspekto? "Hindi ko po kayo maintindihan," aniya na naguguluhan sa bigla nitong tinuran. Hindi naman kasi niya maunawaan kung bakit pag

