"ANONG balak mo ngayon? Hindi mo ba aaminin kay Chad na anak mo siya?" Ito ngayon ang tanong ni Mang Tonyo na gumugulo sa isipan ni Elias matapos matuklasan ang anak-anakan pala nito ay ang kaniyang totoong anak. Napakaliit talaga ng mundo at tadhana na talaga siguro ang nag-aadya upang magtagpo ang kanilang landas. Nakilala noon ni Elias si Mang Tonyo nang sandaling bumili ito ng isda sa kaniya sa palengke. Nang bumaba kasi si Elias sa kabundukan, mahigit dalawampung taon na ang nakalilipas, ay pinili niyang mamuhay ng simple sa Maynila. Hindi man naging madali sa kaniya na takasan ang nakaraan ay naroon pa rin ang pananabik niyang makita muli si Carina. Subalit bigo ang tadhanang pagtagpuin sila noong mga panahong iyon. Noong balikan niya si Carina

