MATCHING with Marco online is also the most real thing that ever happened in my life. Oo’t nakakagulat pero totoo. At kahit nasaktan man ako dahil dito, alam ko sa sarili kong ‘di ko gugustuhing burahin ang bahaging ito ng buhay ko. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Okay.” “Okay?” “Okay!” “What do you mean?” “Let’s be friends!” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Marco. Hindi ko alam kung bakit parang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ba’t iyon naman ang gusto niyang mangyari? Hindi ba’t nagpaparamdam at nanunuyo siya araw-araw para magkaayos kami at totoong maging magkaibigan? It’s not like he’s actually courting me. That’s the dream, but that’s also impossible to happen. Naalala ko ang sinabi ni Elisse. Marco already made a confession that he wanted to be a part of my lif

