Chapter 44 (Part 1): First Dead Duck

2281 Words

“KANINA pa kayo magkasama ni Gabriel?” tanong ni Cara sa ‘kin pagkaalis na pagkaalis ni Gabriel para ihanda ang order niya. Pinabalik na kasi namin siya sa trabaho. Tutal ay tapos ko naman nang panuorin ang video na ginawa niya at pwedeng ako na lang ang magpakita nito kay Cara. “Hindi masyado. Sakto lang naman,” simpleng sagot ko pero mukhang ang hanap yata ni Cara ay mas detalyadong sagot dahil hindi pa rito natapos ang kanyang pang-uusisa. “Sinabayan ka niyang kumain?” tanong niya nang mapansin ang mga pinagkainan ko sa lamesa. Mukhang nakakagulat yatang isang tao lang ang kumain ng lahat ng order ko. “Hindi. Kumain muna ako habang hinihintay ko siyang maging libre. Marami kasi silang customers—” “Eh bakit magkasama kayo kanina?” “Kasi pinapanuod na niya ‘yung video?” “Video?” “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD