Chapter 44 (Part 2): First Dead Duck

1933 Words

ALAM kong nagdesisyon na kaming maging magkaibigan ni Marco, pero may mga bagay pa rin kaming hindi napag-uusapan – mga sugat na hindi pa naghihilom dahil sa mga nangyari noon. Pero siguro naman ay magkakaroon din ng tamang panahon para rito. Bumuntong-hininga ako at naupo sa bakanteng bench sa likod ng stage. Ganuon din si Marco. Inilibot ko ang mga mata sa paligid ng mini garden at hindi napigilang matawa sa sarili. Mapagbiro talaga ang tadhana dahil pagkatapos akong sugurin ni Tan dito, sabi ko talaga sa sarili ko’y hinding-hindi na ‘ko babalik ulit dito kahit anong mangyari. Pero ngayon ay nandito ako. Kasama ko pa si Marco na inaway ko rin noon dahil sa pagtulong niya. “Mas maganda kung palagi kang may kasama. Mahirap na. Baka maisipan ka na namang lapitan ni Tan.” Si Marco a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD