PINAPASA na ng NatSci prof namin ang test papers sa harapan. Pagbigay ko ng akin ay isinabay ko rin ang lihim na pagsulyap kay Gabriel. Sa unang klase pa lang namin ay ilang beses ko na siyang tiningnan, sinusubukan ko kasing mabasa ang kanyang mood – kung pwede lang ay pati iniisip. Ayon nga lang, tulad ng dati, blanko pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kaya hindi ako pinalad kahit makakuha man lang ng clue. Ang huling option ko na lang talaga ay kausapin siya nang harapan. Hindi pa rin kasi nasusundan ang pag-uusap namin noong gabing sinabi niyang ayaw niya ‘kong maging kaibigan. Marahil ayaw niya talaga akong maging kaibigan kaya ‘di niya ako kinakausap o sadyang gusto na lang niyang kalimutan ang nangyari. I hope it’s the latter. Pabor naman ito sa akin. Ayaw kong magbago ang

