Pagpasok sa nursing building, may mga estudyante naman kaming nakita at nakasalubong. Ngunit nakapagtataka lang dahil pagbukas ng elevator sa 7th floor, pansin kong mabibilang na lang sa daliri ang mga taong makikita rito. Halos lahat pa’y parang nagmamadaling makababa dahil imbes na mag-elevator ay naghagdanan na sila. I was able to find out the reason why through Marco’s story. Ang kwento niya sa akin ay may nagpakamatay daw dito sa nursing building during the 90s. May babaeng estudyanteng tumalon mula sa seventh floor. At magpahanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin sa nasabing palapag. Kaya nga walang may gustong tumambay sa nursing building. Lalong-lalo na sa palapag na ito. Hangga’t maaari ay nandito lang sila kapag may klase. Nang marinig ko ang kwento ay kinilabutan ako. Nana

