LAST night felt like a nightmare. Bukod kasi sa mga nangyari sa pagitan namin ni Marco pati na rin sa amin ni Gabriel, pag-uwi ko ay sinalubong pa ako ng mas malalaking problema. I was too wrapped up in other people’s affairs that I forgot about myself. Latang-lata ako pagbalik sa dorm. Nakita akong dumating nina Elisse at Maeve na kakauwi lang din. Sila ang nagsabi sa ‘king sobrang putla ko kaya agad nila akong inalalayan paupo. Akala ko pa noong una ay malungkot lang ako dahil sa mga nangyari kaya masama ang pakiramdam ko, pero nang hipuin ni Elisse ang noo ko, siya ang nagkumpirmang inaapoy na pala ako ng lagnat. Inalam naman nila kung anong nangyari sa akin at bakit basa ako ng ulan pag-uwi. I just told them what happened, excluding the fact that Marco and I were just in a pret

