TUMAKBO ako sa direksyong pinuntahan nina Gabriel at Cara habang yakap-yakap ang bag ko. Sumunod ako sa kanila dahil alam kong nasa panganib ang mga kapatid ni Gabriel. Wala man akong magawa para makatulong, at least I could be there for my friend. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bawat t***k nito ay may kaakibat na kirot. Parang tinutusok ng mga karayom. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa takot ko para kay Gabriel o dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Marco ngayon lang. Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya naman basang-basa na ‘ko, mistulang napaliguan ako nito. Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao, iniisip siguro nilang nababaliw na ‘ko dahil sa pagpapaulan, pero iintindihin ko pa ba ang iniisip nila ngayong may buhay na nasa panganib? Habang tumatakbo palabas ng cam

