Nanlamig ang buong katawan ko. Parang nalaglag ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong pag-uusap ngayon lang. Talaga, Marco? Pagpupustahan niyo ako ni Gabriel? “Ano ba naman kayong dalawa?” Narinig kong tanong ni Cara. Even she found this bet so ridiculous! Humigpit ang hawak ko sa braso ni Marco para harapin niya ako – para maalala niyang nandito lang ako sa tabi niya ngayon. “Bakit kailangan niyong magpustahan?” tanong ko pagtayo sa harapan ni Marco para ‘di na niya magawang iwasan ang mga mata ko. Tumingkayad na rin ako sa harapan niya dahil nga matangkad siya sa ‘kin. Siguradong mukha na naman akong katawa-tawa sa ginagawa ko pero bahala na! Tipid na ngumiti si Marco bago ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. Unti-unting lumapat ang mga paa ko sa sa

