MASARAP pa rin ang pagkain dito sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Gabriel. Isa rin ito sa mga rason kung bakit dito ko inayang kumain ang mga ka-dorm ko bukod pa sa gusto kong madalaw sa trabaho ang kaibigan ko. Dumating na kasi ang order namin at ngayon ay kasalukuyan kaming kumakain. Kung kanina ay parang hindi kami mauubusan ng salita, ngayon ay wala nang nagsasalita sa ‘min dahil lahat ay gutom na. Natuwa naman ako nang makitang mukhang enjoy na enjoy ang dalawa sa pagkain. Ayon lang ay habang payapa kaming kumakain, agaw pansin ‘yong table ‘di kalayuan sa amin. Ang ingay-ingay kasi nila, sobrang lakas ng tawanan, kaya kahit ibang customers ay napapatingin na sa kanila. I wouldn’t be concerned if they were mere strangers. Pero nakakahiya dahil mga estudyante rin sila ng Uni

