Chapter 46 (Part 2): First Hate Post

1603 Words

Noong huling punta ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Gabriel, hindi pa sila ganuon kahigpit. Wala nang kailangang ipakita. Basta pinapapasok na lang nila kaagad ang customers. Parang normal na nga ang lahat kung tutuusin. Kaya mukhang totoo nga ang balitang tumataas na naman ang bilang ng mga taong nagkaka-virus. Mukhang nagiging seryoso na naman ang sitwasyon. Paano’y pagpasok na pagpasok namin sa restaurant, bukod sa pinag-disinfect kami, hiningan din kami ng vaccination card. Tinitingnan na rin ulit nila ang temperature ng customer dahil isa sa sintomas ng may virus ay lagnat. Pakiramdam ko’y bumabalik na naman kami noong mga panahong nagsisimula pa lang ang virus na ito. “Buti pala dala ko palagi ang vaccination card ko, kung hindi babalik pa tayo sa dorm,” sabi tuloy ni Maev

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD