Chapter 28: First Interview

1792 Words

PAKIRAMDAM ko ay kaya ko namang humarap sa camera at mag-share ng experience ko. Nagawa ko naman na ito nang ilang beses noong naka-online classes pa kami. Ang pinagkaiba nga lang, sa bahay iyon at mag-isa lang ako sa kwarto na nagre-record ng sarili. Kaya naman alam kong may malaking problema ngayon. “Kasali ba talaga sila rito?” bulong ko kay Gabriel nang makita kong bukod sa production team ng Film Soc ay may ibang estudyante pang pumasok sa loob ng studio. Hindi ko sila kilala pero malakas ang kutob kong galing sila sa iba’t ibang year level at courses. Hiniram ng Film Society ‘yong studio namin sa drama class dahil wala namang magkaklase rito ngayong Miyerkules ng umaga. Nilagyan lang nila ito ng kulay green na tela bilang background, at editing team na raw nila ang bahala rito. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD