HINDI pa rin ako makapaniwalang pinapasali ako ni Sir Dudz sa UA Theater Guild! Para kasing sa mga palabas at libro lang nangyayari ang mga ganitong eksena. “Uy! Gagi! Ang hirap kayang makasali as UTG!” komento ni Maeve sabay kagat sa chicken drumstick na hawak. “’Yung mga kakilala ko bago nag-pandemic, nag-audition dyan. Ayon at sa huli, ‘di na nga tinanggap, may bonus pang iyak!” Tumawa siya. Ganito na lang ang reaksyon ni Maeve dahil naikwento ko sa kanila nina Elisse at Chloe ang tungkol sa nangyari sa drama class kanina. Hindi rin kasi talaga ako makapag-move on. Paulit-ulit pa rin kasi sa isip ko ‘yong personal na imbitasyon ni Sir Dudz sa akin. Sobrang out of nowhere! Nakaka-flatter pero nakakakaba. I don’t think I did well in my act to deserve it. “You’re so lucky! What did you

