Sinimulan akong ayusan ni Cara. Hindi ko alam ang tawag sa kung anu-anong ipinahid niya sa balat ko. Ang alam ko lang ay nang matapos siya sa ginagawa ay parang bumigat ang mukha ko. Hindi ko rin nakilala ang sarili ko pagtingin sa salamin. “So… I look better than before?” nag-aalangang tanong ko sa kaibigan. Binukas-sara ko rin ang mga mata ko. Baka sakaling magbago ang nakikita ko. “Oo naman! Para kang sikat na artista ngayon,” sabi pa ni Cara na mukhang sobrang confident sa kanyang sagot kaya pinagdikit ko ang labi ko. Hindi ko alam kung sinusubukan lang ba niyang i-boost ang confidence ko o seryoso talaga siya. “Parang masyadong makapal e. Sure ka ba?” tanong ko pa. Kahit hindi ako maalam sa make-up, alam ko naman sa sarili ko kung ano ang maganda sa hindi. Hindi ko alam kung hindi

