HINAWAKAN ni Gabriel ang isang braso ko. Samantalang ang isang kamay naman niya ay may binitbit na plastic ng basura. Isinama niya ako papuntang likod ng club, at nagtapon muna siya rito bago ako hinarap. Nakapameywang ang isang kamay, para bang ang laki ng problema niya dahil sa ‘kin. He didn’t look pleased to see me. Magkasalubong ang kilay niya. At para bang gusto niyang sabihin na malaking pagkakamali ang pagpunta ‘ko rito sa club ngayong gabi. I felt like an intruder. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. ‘Ni hindi ko siya magawang tingnan nang diretso. “Sorry. Wala kang dapat sabihin. Pwede naman akong magkunwaring ‘di kita nakita rito.” Inunahan ko na siyang magsalita. I don’t want him to feel obligated to tell me something that’s personal for him. Dahil kung ako man ang nasa pusisy

