NAGSIMULA na ang tugtog. Hawak-hawak ko ang isang laylayan ng palda ko nang maglakad papunta sa gitna. Huminga ako nang malalim at nang magkaharap kami ni Gabriel, tsaka kami yumuko sa harapan ng isa’t isa bilang pagbati. Alam kong pinapanuod kami ngayon ni Sir Guapo at ng mga kaklase namin kaya naman ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Isang maling galaw lang, baka mapulaan agad kami. Cariñosa ang sayaw na napili namin ni Gabriel dahil sa lahat ng pagpipilian ay parang ito lang ang kinaya naming sayawin noong nag-practice kami. It’s a well-known folk dance in the Philippines, introduced by the Spaniards. Ang ibig sabihin daw nito ay “loving one” o “affectionate one”. Simple man ito, sana ay mabigyan namin ng hustisya. Mabuti na nga lang at kahit last minute na, may nahiraman pa kami ng

