ANONG oras na akong nakauwi sa dorm dahil late natapos ang rehearsal namin sa UTG. Hindi naman na nakapagtataka dahil unang araw ko pa nga lang dito ay alanganing oras na rin ako nakauwi. Hapong-hapo pa ako dahil naubos ang baon kong social battery sa maghapon. Hindi naman kasi ako tulad ng iba na unlimited ang energy for social interaction. In fact, being a UTG member is way out of my comfort zone, so I’m really trying to push myself every day. Oo’t opisyal na miyembro na ‘ko ng Theater Guild ng University of Alcazar. Tinanggap pa rin ako ni Sir Dudz at pinapunta agad sa kanilang first ever face-to-face general assembly. Sa totoo lang ay muntik pa akong umatras noon. Sobrang nakakakaba kasi talaga dahil bukod sa passionate sa theater acting ang mga kasama ko, mayroon din silang exper

