To be honest, I was quite nervous because I imagined eating in an eat-all-you-can restaurant again when Marco mentioned lunch. Kinabahan ako dahil bukod sa limitado lang ang dala kong pera, alam kong kakailanganin ko na namang kumain nang marami para masulit lang ang bayad. At wala ako sa mood magpakabusog – not after the stress I received yesterday. May mga pagkakataon namang gusto kong mag stress-eating pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang kapag napasobra ako ng kain ay isusuka ko. Ayaw ko namang mangyari ito dahil gusto kong ma-enjoy ang araw ko kasama si Marco. Kaya naman gumaan ang pakiramdam ko nang huminto kami sa isang karinderya. Pagbaba ng motor, lumapit agad ako rito para makita nang mabuti ang buong lugar. Karinderya nga ang estilo nito na medyo may kalakihan sa karan

