Chapter 69 (Part 1): First Ticket Sales

2632 Words

MATAGAL na akong hindi nagkakaroon ng panaginip. Kaya naman hindi ko inakalang kahit sa panaginip man lang ay magagawa kong makasama si Papa. Para nga itong totoo dahil sa bagong bahay namin ang setup. Nasa sala kami. Nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Papa. Samantalang sina Kuya Jerrick at Kuya Arthur naman ay nakaupo sa sahig. Dumating si Mama dala ang dalawang bowl ng popcorns kaya naman masaya namin itong tinanggap. Tamang-tama ito dahil nanunuod kami ng pelikula katulad ng madalas naming libangan noon. Oo’t nanaginip ako. Pero itong panaginip ko ay agad ding naging bangungot dahil habang abala ako sa pagtawa sa pinapanuod na pelikula, biglang nawala sa tabi ko si Papa. At nagsunod-sunod na ring nawala si Mama at ang mga Kuya ko. Tinawag ko sila nang tinawag pero wala itong naitul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD