MARCO: Nag-dinner ka na? ‘Wag kang magpapagutom. TIARA: Ikaw din. MARCO: Kumusta? TIARA: Okay lang. MARCO: Sure? TIARA: Oo. MARCO: It was nice seeing you earlier. Parang hindi naman. Napairap ako sa kawalan sabay bato ng phone ko sa kama. Nakakainis kasi. Kung talagang natuwa siyang makita ako kanina, sana nilapitan niya ‘ko o ‘di kaya, sana pinansin man lang niya ‘ko. A little waive won’t kill him. Mas maganda pa yata kung hindi na lang ulit siya nagparamdam. Makakayanan ko na kasi sana noon eh. Nasasanay na ‘kong wala siya sa araw-araw ko. Pero heto na naman siya, winiwindang na naman ang mundo ko. Palibahasa alam na alam niya kung paano ako kuhanin— “Tiara, nag-dinner ka na ba?” casual na tanong ni Elisse kaya natigilan ako’t napalingon sa kanya. Animo nalaglag ang puso k

