NAGISING si Jenny na wala sa tabi niya si Gio. Inaantok na tiningnan niya ang orasan sa digital clock na nasa side table sa kaliwang bahagi ng kama.
'Three forty-five pa lamang ng umaga. Bakita ang aga niya yatang magising?' Bulong niya sa kayang sarili.
Ah, marahil ay nagtungo lamang sa banyo si Gio. Ipinikit muli ni Jenny ang kanyang mga mata. Umaasa siyang makakatulog agad ngunit halos kalahating oras na siyang nakapikit ay gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Nagdesisyon siyang imulat na lang ang mga mata. Mukhang hindi na niya magagawa pang bumalik muli sa pagtulog.
Wala pa rin si Gio. Hindi pa rin ito bumabalik. Saan nga ba ito nagpunta?
Bumangon siya at iniwan ang kama. Iniwasan niya ang mapatingin sa kulay pulang dingding dahil sa nangingilabot siya kapag nakikita niya iyon. Hindi niya alam kung bakit.
Kumatok siya sa banyo na nsa loob ng kanilang kwarto. Nang walang sumagot ay binuksan niya iyon. Wala doon si Gio. Baka naman nasa baba ito at tulad niya ay hindi rin makatulog.
Lumabas siya sa kwarto nila at sumalubong sa kanya ang napakalamig na hangin. Napayakap tuloy sa kanyang sarili si Jenny. Kakaiba ang lamig sa labas ng kwarto nila. Iyong lamig na parng nasa loob ka ng malaking refrigerator. Mukhang tapos na nga talaga ang tag-araw at pumapasok na ang tag-lamig...
Nag-umpisa na siyang maglakad upang hanapin si Gio. Hindi na siya nag-abala pang buksn ang ilaw sa buong kabahayan dahil memoryado na naman niya ang lahat ng parte niyon kahit na nakapikit siya. Isa pa'y sapat na ang liwanag mula sa bilog na buwan sa labas na naglalagos sa mga bintana upang tanglawan siya sa loob.
"Gio?" mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa ngunit wala siyang nakuhang sagot.
Inulit niya ang pagtawag ngunit wala pa rin siyang sagot na nakuha.
Habang pababa siya sa hagdan ay biglang kumabog ang kanyang dibdib nang makarinig siya ng isang nakakangilong tunog. Parang tunog ng dalawang bakal na pinagkikiskis. Parang nanggagaling sa kusina!
Kahit na may takot sa kanyang dibdib ay marahan pa ring tinungo ni Jenny ang kusina. At kahit nakapatay ang ilaw, ay kitang-kita niya mula sa kadiliman ang isang anino ng lalaki! Nakatayo ito sa harap ng lababo at nakakakilabot ang pagkislap sa dilim ng talim hawak nitong bagay.
'Si Gio kaya ito?' tanong niya sa kanyang sarili.
Nnginginig ang mga kamay na kinapa niya ang switch ng ilaw. Pikit-mata na pinindot iyon ni Jenny at bumaha ang liwanag sa buong kusina.
"Gio?" Nagtataka niyang bulalas nang malaman niya na ang asawa niya pala iyon. "Anong ginagawa mo diyan?"
Nang hindi ito ay sumagot ay nilapitan niya ito. Doon niya nakita na hinahasa pala nito sa isang hasaan iyong palakol. Walang ekspresiyon ang mukha ni Gio at seryosong-seryoso sa ginawa.
"Itigil mo na iyan, Gio. Matulog na ulit tayo, please," aniya. Pero tila wala itong narinig at nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa. "Hoy, Gio. Ano ba?" untag pa niya dito.
Aaminin niyang medyo natatakot siya sa ginagawa nito. Hindi kasi alam ni Jenny kung bakit naghahasa ng palakol ang kanyang asawa at kung saan nito iyon gagamitin. At wala rin siyang ideya kung saan nito nakuha ang bagay na iyon!
"Gio!" tawg niyang muli dito. Sa pagkakataong iyon ay sinamahan na niya ng mahinang pagyugyog sa braso nito.
Biglang tumigil sa paghahasa ng palakol si Gio. Halos ilang segundo din itong nakatulala bago dahan-dahan na tumingin sa kanya. "Jenny?" nagtataka nitong tawag sa kanya. Sa hitsura nito ay parang nagising ito mula sa mahabang pagkakatulog. May pagtataka sa mukha ni Gio nang ilapag nito sa gilid ng lababo iyong palakol. "A-anong ginagawa ko dito? B-bakit may hawak akong palakol?" tanong pa nito.
"Ha? Hindi mo alam ang ginagawa mo? Itatanong ko pa naman sana sa iyo kung saan mo gagamitin iyang palakol, eh," aniya.
"H-hindi ko alam. Ang akala ko ay natutulog lang ako tapos... tapos nang magising ako ay heto na ako..." tulirong sagot ni Gio sa kanya at umupo ito sa silya na nasa dining table at sinapo ang sariling noo.
Nilapitan ni Jenny ang asawa at hinimas ang likod nito. Sa palagay niya ay nagsasabi naman ito ng totoo.
"Sandali at ikukuha lang kita ng tubig."
"Sige, please?"
Matapos kumuha ng tubig ay inabot niya iyon kay Gio. "Hindi kaya nag-sleep walk ka lang?" sabi niya. Iyon na lang ang inisip niya upang huwag nang mabuhay pa ng tuluyan ang takot sa kanyang dibdib.
"Siguro nga..." bakas pa rin ang pagkabahala sa mukha ni Gio.
Pinagmasdan ni Jenny ang mukha ni Gio. Doon niya nakita ang tila itim na bilog sa paligid ng mga mata nito. Parang ilang gabi na itong hindi natutulog. Pero, imposibleng mangyari iyon dahil palagi naman silang sabay na matulog nito. Npansin niya rin ang pamamayat nito.
"Baka naman may sakit ka," aniya.
Biglang tumayo si Gio at nanlilisik ang mga mata na hinampas nito ng dalawang kamay ang ibabaw ng lamesa. Natabig nito ang baso kaya gumulong iyon at lumaglag sa sahig. Napapitlg siya sa pagkabasag niyon. "Wala akong sakit!" mataas ang boses na sigaw nito sa kanya.
Nagulat si Jenny sa reaksiyon na iyon ni Gio sa simpleng bagay na sinabi niya dito.
"G-gio, b-bakit ka nagagalit? W-wala naman akong sinasabing m-masama." Ngayon lang niya nakita na nagalit ito sa kanya.
Biglang naging maamo ang kanina ay galit na mukha ni Gio. Parang pagod na pagod na umupo itong muli. "I am s-sorry, Jenny," aniya at inabot niya ang kamay ni Jenny. Masuyo pa nitong pinisil iyon. "Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa itaas at matulog."
"S-sige," sagot naman ni Jenny ngunit hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagkabahala sa ikinilos ng kanyang asawa. "Mauna ka na doon, gio. Susunod na ako mamaya."
"Okey. Hihintayin kita," ani Gio. Iniwan na siya nito.
Nang wala na si Gio ay kinuha ni Jenny iyong palakot at itinago iyon sa may ilalim ng lababo bago siya sumunod kay Gio sa taas.
-----
"OO nga pala, next week ay pupunta dito iyong medium na ni-recommend ng kaibigan ko."
Natigilan sa pagsubo ng pagkain si Jenny sa sinabing iyon ni Gio habang kumakain sila ng tanghalian.
"Medium?"
"Yes, medium... Iyong kumakausap sa mga multo or spirits. Matutulungan ka nila sa mga nagpapakita sa iyo dito sa bahay."
"Salamat, Gio. Akala ko talaga ay hindi mo ako papaniwalaan sa mga sinasabi ko," masaya niyang tugon. Sa wakas ay naniwala na rin sa kanya ang kanyang asawa. At talagang tutulungan pa siya nito.
Ngumiti sa kanya si Gio. "Siyempre, asawa kita. Ang gusto ko ay payapa kang naninirahan dito sa bahay natin. Ayokong may kung anu-anong bumabagabag sa iyo dito lalo na at ako ang pumili ng bahay na ito para sa atin."
Hindi na napigilan ni Jenny ang kanyang sarili. Sobrang na-touch siya sa sinabi ni Gio kaya naman tumayo siya upang bigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
"Salamat, Gio. I love you!"
"I love you too, Jenny!"