Thylane Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Steve. Kung bakit bigla na lamang iyong naging ganoon sa akin, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Kaya minabuti ko munang lumayo rito pansamantala dahil baka masaktan niya ako dahil sa galit niyang ipinapakita. Ilang araw ko itong iniwasan upang lumamig kahit papaano ang ulo niya. Baka nga kako may problema siya na ikinikimkim... “Hay! Ang bigat mo na, Sandro,” nakangusong wika ko sa baby ko na ilang buwan na rin. Ang bilis din nitong lumaki dahil sa pagiging matakaw sa breastmilk at tulog. Nahihirapan na akong magbuhat sa kaniya. “Shh... May topak na nga ang daddy mo, sasabayan mo pa,” dagdag ko pa rito nang umiyak ito. Napahinga ako nang malalim at inayos ang pagkakabuhat dito. Pinatahan ko muna ito saglit bago patulugi

