Thylane Kinabahan na ako kay Steve nang makitang tinadyakan niya sa mukha ang babae matapos ihambalos sa buhanginan. Walang umawat ni isa, kaya’t ang babae ay nawalan ng malay. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa ilong ng babae. Dilat ang mga mata nito ngunit tila walang malay. Patawarin! At ang ikinababahala ko nang lubos ay wala akong makapa o makita na konsensiya sa mukha ni Steve nang saktan niya ang babae. Purong galit at pagkamuhi ang nilalaman ng mga mata niya, na para bang bigla siyang nag-ibang tao sa paningin ko. Natahimik ako nang mga sandali na iyon habang tulalang nakatingin sa babae, at sa mga kamay ni Steve na nanginginig sa galit. Tuloy ay naalala ko ang mga babala sa akin ni Damian noon, na walang sinasanto si Steve—mapa-babae man o

