Thylane “Sama ka sa ‘kin bukas, darling. Ipapakilala kita sa Lola ko.” Awtomatikong napangiti ako sa sinabi ni Steve. Kagagaling ko lamang sa shop at talagang nag-abala pa ito na sunduin ako. Ang sabi ko ay huwag na at manatili na lamang sa bahay na inuupahan ko, pero makulit ito. Baka kako makita ng ibang tao. Dalawang buwan na kaming palihim na nagkikita at naglalampungan. Madalas ay nasa bahay ko ito at doon kami gumagawa ng mga alaala, roon kasi ay malaya kami dahil wala ang parents ko. Masasabi kong masaya naman itong kasama at mapagmahal, iyon nga lang ay hindi niya mapigilan na nakawan ako ng halik palagi. Pero sulit naman ang pagsagot ko rito noon. Tama nga siya sa sinabi niya na masarap ang magmahal ng isang tao. Para akong dinadala sa mga ulap, nakakatuwa. Pero kalakip

