Thylane Pagkalabas ko ng bahay ni Lisa ay napahinga ako nang malalim. Wala akong kagana-gana kanina pa dahil sa mga sinabi nila patungkol kay Steve. Mabuti na nga lang at natapos din ang pagpaplano namin, makakasama ko na si Steve. Gumawa pa ako ng mga dahilan para lamang makaalis na dahil ayaw pa akong pauwiin ng mga kaibigan ko. Huminga ako nang malalim sa pangalawang pagkakataon. Agad ko rin namang nasumpungan si Steve na nakatayo sa hinintuan namin kanina. Seryoso ang mukha nito habang pinagmamasdan ang mukha ko habang palapit dito, tila ba may tumatakbo na naman na kung ano sa isip nito. “Bakit malungkot ka? Nag-away ba kayo ng friends mo?” aniya nang makalapit ako. Agad kaming naglakad papasok sa isang maliit na daanan. Walang katao-tao sa labas dahil tanghaling tapat. Mabu

