Thylane Tumalon ako sa kutson ni Steve at humiga pagkaalis na pagkaalis nito. Nagpagulong-gulong pa ako roon, hanggang sa mapagod. Ayos din pala ang kuwarto niya. Maayos siya sa mga gamit niya at lahat iyon ay nakaayos sa kaniya-kaniyang lalagyan. Ang kaniyang mga damit ay nakasampay nang maayos sa gilid, pati... brief. Napangiwi ako at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ba dumako pa roon ang tingin ko? Ang laswa. Pero napangiti ako’t napailing-iling nang may pumasok na kalokohan sa isip ko. Ang lalaki pala ng mga brief niya. Mabilis akong napaupo nang may mapansin akong magazines sa ilalim ng unan nito. Nagulo kasi ang kaniyang higaan dahil sa paglilikot ko kaya nawala sa ayos ang unan. Nakangiting kinuha ko iyon at pinakatitigan. Ngunit halos maibato ko iyon nang makitang may

