Thylane “Thylane!” Napangiti ako nang todo nang dalawin ako ng mga kaibigan ko rito sa bahay. Matapos ang ilang araw mula nang mangyari ang pangit na alaala sa hospital ay rito na lamang ako nanatili. At ngayon lang pinayagan ang mga kaibigan ko na bisitahin ako rito. Nagkausap naman na kami sa phone nang ilang beses dahil hindi mapalagay ang mga kaibigan ko na nandito na ako sa hometown ko. Pinagse-sermunan nila ako at galit na galit sila, pero alam ko naman na bagay lang iyon sa akin, kaya okay lang. Mahigpit akong niyakap ni Loana at kinurot-kurot sa pisngi dahil sa panggigigil. “Gaga ka! Bakit mo kami iniwan? Akala namin hindi ka na babalik dito!” Halos pabulyaw na itong nagsalita na ikinangiwi ko. Pang-ilang ulit na niya ba iyang naitanong? Ilang beses na rin akong nagpaliwanag

