Thylane Hindi agad ako nakaimik. Actually, iyon na ang naiisip kong kinalalagyan niya ngayon. Pero nang kumpirmahin sa akin ni Dad iyon ay para akong hindi makahinga. Habang buhay na sentensiya? Great. Mariin kong ipinaglapat ang mga labi ko’t iniwas ang tingin. “O—Okay po...” “Patong-patong na kaso ang kinaharap niya. Pati mga nahuling sundalo nila ay ikinulong din. Ang iba ay pinaghahanap pa dahil nakatakas. Punyeta kasi ‘yong lalaki mo, galing tumira. Pero nagpapasalamat din ako sa kaniya dahil nakaalis kayo sa chopper na sinasakyan n’yo bago pa iyon sumabog.” Marahan akong tumango at napayuko na lamang. Ni isang salita ay walang lumabas sa labi ko dahil nasasaktan ako sa kaalamang hindi na makakalaya pa si Steve. Wala na... Tama nga ang lalaking iyon. Kailangan ko na siyan

