Thylane Tahimik kong tinungo ang kama ko. Panay na ang hikab ko dahil alas diez na ng gabi, oras na upang magpahinga. Late na kasing umuwi ang dalawa kanina, alas siete y media. Dito na rin sila pinakain bago pinauwi. Kinamot ko ang leeg nang mapaupo sa kama. Hindi ko na nagawa pa ang mga dapat kong gawin kanina dahil sa pagod, ang kukulit kasi nina Lisa at Loana. Parang mga hindi nauubusan ng enerhiya. Hihiga na sana ako nang makarinig ng mahihinang katok mula sa aking pinto. Awtomatikong kumunot ang noo ko at inaantok iyong binalingan. “Thylane?” Si Mommy! Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa suot. Tanging pajama at hindi ganoon kaluwag na shirt ang suot ko, baka mahalata niya ang lumulobo kong tiyan! Umayos agad ako ng pagkakahiga at saka tinakpan ng makapal na kumot ang

