bc

Hulog Ng Langit

book_age16+
2.1K
FOLLOW
17.1K
READ
possessive
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
heavy
like
intro-logo
Blurb

The love of a woman to a man she mustn't love.

"Paano kapag dumating sa puntong makaalala siya—"

"'Nay, ayoko pong pag-usapan 'yan sa ngayon," putol ko kay nanay. "Ang importante ay masaya kami ni Niall at 'yon lamang po ang mahalaga."

Maging ako man din ay natatakot sa maaaring mga mangyari sa susunod na mga sandali dahil baka ang lalaking pinakamamahal ko'y bawiin ng kanyang mga alaala mula sa akin. Ayokong mangyari 'yon. Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon! Si Niall, mahal niya ako at mahal na mahal ko siya kaya alam kong walang ano pa man ang makakapaghiwalay sa aming dalawa! Hindi kahit pa ang katotohanan sa tunay na pagkatao niya!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"IKAW?!" Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na gulat na gulat ako nang pagkadilat ko ay nakita ko ang mukha ng amo ko na malapit sa mukha ko. "Anong ginagawa mo dito sa ganitong disoras ng gabi?!" malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko. "Pumayag kang maging model ni Erin at irampa ang designs niya sa darating na Battle of Fashions Night." sabi niya. Ramdam na ramdam ko ang mabangong hininga niya sa ilong ko dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Pati ang mahalimuyak niyang showergel ay hindi nakaligtas sa pang-amoy ko. Pumunta talaga siya dito sa kwarto ko at binulabog ako sa kalagitnaan ng gabi para ipilit pa rin sa akin na pumayag na maging model ni Erin? "Señorito Niall-" magsasalita sana ako nang pinigil niya ako. Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi. "Just say yes and I'll leave right away, hindi na kita ulit bubulabugin sa kalagitnaan ng pagtulog mo..." mahinang sinabi niya. Ang hina ng boses niya pero nararamdaman kong puno iyon ng pinaghalong pakikiusap at utos. Umiling ako. "Alam mo namang wala talaga akong alam sa pagmomodel-" Malakas na binagsak niya ang kanyang mga kamay sa ulunan ko dahilan para makorner niya ako. "Pero matuturuan ka pa naman!" "Señorito, pakiusap naman po, 'wag n'yo na akong pipilitin kasi ayoko talaga. Hindi ko kaya." Eh sa wala naman talaga akong hilig at kaalam-alam sa pagmomodel at pagrampa-rampa na 'yan! Wala akong confidence na magpakita ng aura sa harap ng maraming tao! At mas lalong ayokong gawin 'to dahil natatakot akong kapag nirampa ko ang mga designs ni Erin, mapahiya ko lang siya at hindi ko mabigyan ng hustiya ang mga damit na gawa niya. Baka mapahiya ko pa siya sa maraming taong manunuod lalo na sa mga judges sa darating na Battle of Fashions Night, at hanggang maaari 'yon ang iniiwasan ko kaya ayokong pumayag na maging model ni Erin. Kaibigan ko pa man din yung si Erin at napakabait niya sa akin kaya ayokong matalo siya sa darating na competition dahil lang sa akin. Nilapit lalo ni Niall ang kanyang mukha sa akin kaya mas lalong kumalabog ang dibdib ko. "You stop being a selfish, little girl! Kinabukasan ni Erin ang nakataya rito!" "Kaya nga eh!" nagkamot ako ng ulo. "Kinabukasan ni Erin ang nakataya sa kumpetisyong ito kaya ayokong mapahiya siya. Magkaibigan kami ni Erin at napakabuti niya sa akin kaya't hanggang maaari, ayokong masira ang magandang oportunidad para sa kanya na manalo sa kumpetisyon dahil ako ang model niya..." "Until when will you drag your self-confidence this down?" Napayuko ako. Eh sa wala naman talaga akong self-confidence pagdating sa ganito! 'Ni never akong sumasali sa beauty pagents sa probinsya namin noong high school ako kahit na maraming nagre-recruit sa akin kasi maganda naman daw ako at matalino pa! Kaya kung hindi ako confident noong high school, ano pa kaya ngayong college na ako lalo pa't hindi basta-bastang rampa ang pinag-uusapan! Modeling. Modeling ang pinag-uusapan at maraming iba't-ibang mga estudyante galing sa iba't-ibang Universities sa Pilipinas ang dadalo at manunuod! Idagdag pa ang mga judges na galing din sa iba't-ibang prestiheyosong fashion schools! Bumuntong-hininga si Niall saka nagsalita ulit. "Whether you like it or not, we'll build up your self-confidence. You will be trained very well and you'll be Erin's model." Bumuntong-hininga din ako. Naiintindihan kong gustong-gusto niyang manalo si Erin sa darating na kumpetisyon dahil pangarap iyon ng dalaga. Bukod sa matalik na kabigan niya ay alam kong mula pa pagkabata gusto na niya si Erin kaya ganito nalang siya kadeterminadong tulungan iyon na manalo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako ang pinipilit nilang maging model gayong gusto nilang manalo! "Marami namang iba diyan, Señorito eh. Marami namang mas maganda, yung mas sexy..." "But we believe in you. Erin believes in you. Ikaw lang ang nakikita niyang model na babagay sa mga gawa niyang damit at kami rin ay ikaw lang ang nakikita." Kahit papaano'y nakaramdam ako ng pagkagalak. Nagagalak akong malaman na naniniwala sila sa akin, na naniniwala silang babagay ang mga eleganteng desenyo ni Erin sa akin... Kaya lang ang problema ay ako mismo sa sarili ko. Hindi ako naniniwalang kaya kong maging model. Simple lang naman kasi ako. Simple lang ang gusto ko, simpleng buhay... Napunta ako rito sa Maynila galing ng probinsya para mag-aral habang nagtatrabaho. Simpleng working student lang ako kaya hindi ko lubos maisip na isang araw ay may mga sikat na estudyante sa paaralan namin ang makikiusap sa akin para maging model ng mga gawa nilang damit, particularly Erin... Si Erin na kilalang maganda, sosyal, mayaman at fashionista tapos ako ang kukuning model para sa malaking competition na sasalihan? Pangalan niya ang nakataya rito kaya ayoko talagang mapahiya ko lang siya! "Nagpapasalamat ako sa inyo, kay Erin... na naniniwala sa akin pero kasi-" Naputol ako nang idinikit niya ang noo niya sa aking noo. Sobrang lapit na talaga namin at tipong pati langaw ay mahihiyang dumaan sa pagitan naming dalawa! "Papayag ka o hahalikan kita?" marahan ngunit puno ng pagbabanta niyang sinabi. "Señorito-" Hindi na ako nakapagprotesta nang tuluyan niya akong hinalikan. Hindi marahas ang paraan ng kanyang halik at simpleng lapat lamang ng labi niya sa aking labi pero parang kinukuryente ako't nanlalaki ang mga mata... "Ngayon mo sabihing hindi ka pa rin pumapayag..." bulong nito nang tapusin ang halik. Natulala ako't hindi nakapagsalita, gulat pa rin dahil sa kanyang ginawa. "Ano? Pumapayag ka na?" Seryosong tiningnan ko siya saka nagsalita. "Sir Niall, hindi ko nagugustuhan 'tong ginagawa mo. Tigilan mo na ako pakiusap lang-" Sa muli ay pinutol niya ako ng halik. Mas mabilis at may galaw sa pagkakataong ito. Marahas at tipong nagpaparusa. Kinagat pa niya ang ibabang labi ko kaya halos maiyak ako sa sakit at ramdam kong dumugo pa iyon. Tinulak-tulak ko s'ya sa dibdib pero parang walang epekto. Ang lakas niya! Hindi talaga siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto, ang mapapayag ako! Pinagtutulak ko ang dibdib niya ng mga kamay ko pero pinangko lamang niya ang mga ito sa ulunan ko dahilan kaya't mas nawalan ako ng lakas. Ano bang ginagawa mo, Señorito! Hindi pa siya tumigil at bumaba pa ang labi niya patungong leeg ko at kinagat ako do'n. Nanindig ang mga balahibo ko't malakas ang pintig ng dibdib. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ka pumapayag na maging model ni Erin..." bulong niya sa tenga ko. Nakakaliyo. Sobrang nakakaliyo ng ganitong pakiramdam, yung tipong ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg at sa tungki ng tenga ko. "If you won't say yes, I'll touch you..." pinadausdos nito ang hintuturo sa aking pisngi. Napapapikit nalang ako ng mariin sa sensasyong dulot ng ginagawa niya! Natatakot ako pero parang naaakit din? He bit the tip of my ear then he whispered huskily. "I'll touch you and make you moan, scream. I will never leave your room 'til morning unless I hear your yes..." Binitawan niya ang isang kamay kong nakapangko dahil nilakbay niya ang kamay niya sa laylayan ng kamisetang suot ko. Mariin ang pagkakapikit ko at sa wakas ay nagsalita. "Oo na! Oo na! Pumapayag na ako basta tigilan mo lang ako!" Parang maiiyak na ako. Kung anu-ano kasing ginagawa eh! Ngumisi siya sa tagumpay. "Yon naman pala. Kailangan mo lang naman palang takutin para mapapayag!" "Tigilan mo na ako please!" He pat my head and then he grinned evily. "Good girl." 'Yon lang at umalis siya sa taas ko saka dire-diretsong naglakad palabas ng kwarto ko. Ako nama'y naiwang panay ang buntong-hininga habang sapo-sapo ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig nito. Hay! Grabe lang talaga! Kapag gusto niya, hindi talaga niya titigilan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A night with Mr. CEO

read
175.4K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.6K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.6K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook