1- “Who is she?”

1336 Words
"TEKA lang po!" sigaw ko sa may edad na lalaking papatawid sa daan at agaran siyang itinulak sa gilid para maiwasan ang pagkakahagip sa kanya ng papadaang sasakyan. Mukha kasing nagmamadali at tumawid nalang basta nang wala sa pedestrian. "Salamat, hija, pero ayos ka lang ba?" marahan at nag-aalala niyang tanong. Tumango ako. "Ayos lang po ako. Kayo po ba, sir?" Mukha siyang nasa mid-50s na ang edad. Naka-office suit at may briefcase na dala. "Ayos lang din. Maraming salamat talaga sayo, hija, pero nagmamadali ako eh. Una na 'ko sayo ha? Maraming salamat ulit." Naglakad na ulit siya. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano kayang problema ng mga taong busy sa buhay at kahit sariling kaligtasan ay halos nakakaligtaan na rin? Medyo nakalayo siya nang saka ko palang napansin ang nahulog niyang wallet. Kinuha ko ito at hindi na nagdalawang isip pang sinundan s'ya para ibalik ito. "Sir, sandali! Sir!" Tumakbo ako para habulin siya kahit ang bigat ng bagaheng nakakapit sa balikat ko. Hindi ko na alintana dahil mas importanteng mabalik ko ito sa taong 'yon. "Sir, teka lang po!" Hindi niya ako naririnig dahil malalaki ang hakbang niya't nagmamadali talaga. Lumiko siya sa isang banda at sinundan ko pa rin hanggang sa tuluyan siyang pumasok sa isang mataas na gusali. Nakita ko pang binati siya ng mga taong nasa loob. Hinarang naman ako sa entrance ng guard. "Teka, miss, saan ka pupunta?" "Ah, hinahabol ko po yung taong 'yon, sir." sabi ko sabay turo do'n sa ginoong sinusundan ko. "Ah, si sir Anthony Montgomery? Ang Chairman at may-ari nitong kompanya." Nabigla ako. May-ari nitong malaking kompanya ang hinahabol ko? Napatingin ako sa palagid. Ground floor palang ito ng building pero ang laki at ang gara na. The interior designs are classy and modern, napaghahalataang mayaman na mayaman ang may-ari. "May appointment si Chairman sa mga importanteng tao ngayon. May appointment ka din ba sa kanya?" Umiling ako sa tanong ng guard. "Wala. Wala po. May ibabalik lang sana ako." "Ah gano'n ba? Hindi kasi basta-bastang tumatanggap ng bisita ang Chairman lalo pa't wala ka naman palang appointment sa kanya." "Eh pa'no po 'yan?" "Ganito nalang. Maupo ka nalang muna diyan tapos hintayin mong matapos siya sa appointment niya at baka matiyambahan mong mapadaan siya't saka makausap mo na." "Eh pa'no kapag hindi po s'ya dumaan?" "Edi, sorry ka nalang, ineng." Hindi nalang ako nagsalita pa't dumiretso na sa bench sa labas para hintayin ang Chairman. Bahala nang maghintay ako buong maghapon kahit walang kasiguraduhan kung anong oras siya lalabas basta ang importante ay maibalik ko itong wallet sa may-ari. Mula sa tapat ng kompanya, tinanaw ko ang kalakihan ng gusali. Napangiti bigla ako nang maalala ang matagal ko nang pinapangarap mula pa pagkabata. Balang-araw, kapag nakahanap ako ng trabaho dito sa Maynila para makapag-working student at makapagtapos ako sa pag-aaral, magkakaroon din ako ng ganitong kompanya... Hindi man kasing laki talaga nito pero at least yung sarili kong akin tapos maiaahon ko na rin sa wakas sa hirap ang pamilya kong naiwan sa probinsya, mapagtatapos ang mga kapatid ko't mabigyan sila ng magandang kinabukasan... Naupo ako sa isang bench saka naghintay hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang paghihintay. "Hija?" Nagising nalang akong ramdam ang kamay na marahang yumuyugyog sa aking balikat. Nang idinilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang taong sadya ko. "Ay, sir, kayo po pala!" agaran kong inayos ang sarili ko't tumayo. "Anong ginagawa mo rito, hija? Ba't dito ka natutulog sa bench?" "Ah kasi hinihintay ko po kayo sir, nagbabaka sakali po kasi akong dumaan kayo rito at maabutan ko." "Ako ang pakay mo? Bakit naman?" Binigay ko ang wallet niya. "Ibabalik ko po kasi ito sa inyo. Nahulog n'yo po sa daan 'yan kanina at nang hinahabol ko po kayo para isauli, hindi ko na kayo naabutan nang pumasok na po kayo sa loob." Kita sa mukha nito ang gulat saka tinanggap ang wallet niya. "Nagtiyaga ka talagang maghintay dito sa labas para lang isauli sa akin 'to?" "Gano'n na nga po." "Pero bakit hindi ka man lang pumasok? Sana do'n ka na sa loob naupo at hinintay ako. Ang init pa naman dito." mabait na sinabi nito saka binalingan ang guard. "Manong guard, sana pinapasok mo!" "Sir, wala naman po kasing appointment sa inyo eh kaya hinayaan ko na po." "Kahit na!" "Ah ayos lang naman sir, 'wag na po kayong magalit." kaagad na alo ko sa ginoo sa nakikita kong pagkadismaya niya sa hindi pagpapapasok sa akin ng security guard. Yumuko ang guard. "Pasensya na po, sir." Muli akong tiningnan ng ginoo. "Hija, sa panahon ngayon bibihira nalang ang taong kagaya mong may mabuting kalooban. Maraming salamat ha?" Ngumiti ako't tumango. "Wala 'yon sir!" "Anong pangalan mo, hija?" "Sia po palayaw ko, sir. Messiah Apolonario po ang buong pangalan ko." Naglahad siya ng kamay sa akin. "Anthony. I'm Anthony Montgomery." Tinanggap ko iyon at nakipagkamay sa kanya. "Nga pala..." naupo ito sa bench pagkatapos naming magkamay. "Kanina ko pa napapansin 'yang bagaheng dala-dala mo hija, taga-probinsya ka ba?" Tumango ako. "Opo, sir. Galing pa po akong probinsya namin, lumuwas lang po ako dito Siyudad ng Maynila." "May I know kung ba't ka lumuwas papunta rito sa Siyudad?" "Makikipagsapalaran po kasi ako, sir eh. Nais ko sanang maghanap ng trabaho at mag-aral habang nagtatrabaho." "Working student, you mean?" "Opo." "Bakit? Ang mga magulang mo, nasaan na ba? Ang bata mo pa para magtrabaho ah! Ilang taon ka na nga ineng?" "18 po, sir. Hindi po kasi kaya ng mga magulang ko ang gastusin sa pagkokolehiyo ko lalo pa't may mga kapatid din akong nag-aaral din. Magsasaka lang kasi sina nanay at tatay sa amin kaya hindi talaga kaya, kaya ako nalang ang pumunta rito sa Maynila para suportahan ang pag-aaral ko, kung papalarin..." kwento niya. "Gano'n ba? Edi ang swerte naman pala ng mga magulang mo sayo, hija. Mukhang napakabait mong bata. Kapag ba nakapag-aral ka, anong gusto mong kuning kurso?" "Business Administration po sir. 'Yon po kasi talaga ang pangarap ko, yung makapagtayo rin ng kompanyang kagaya nitong sa inyo sir, kahit na hindi man kasing laki nito basta sarili kong negosyo tapos maiaahon ko na rin sa hirap ang pamilya ko, matulungang mapag-aral din ang mga kapatid ko at masunod din nila ang kanilang pangarap..." "Business Administration. Tamang-tama pala..." "Po?" "Ah 'diba sabi mo handa kang mag-aral habang nagtatrabaho, hija?" Tumango-tango ako. "Opo!" "Kung gano'n sumama ka sa akin, hija. I can offer you a work while letting you go to college." Nabigla ako at natuwa. "Talaga po, sir?" Tumango-tango ito. Hindi nagtagal ay pinasabay na niya ako sa kanyang kotse at pumuntang bahay niya. Grabe! Ang laki ng bahay niya! Parang mansyon! May fountain pa sa entrada pagkabukas palang ng gate! Nakakamangha! Pumasok kami hanggang sa living room habang binabati siya ng mga kasabahay samantalang ako naman sa likod niya'y nakasunod at palinga-linga sa paligid. Gawa sa marmol at halatang mamahaling mga salamin ang looban ng bahay. "Kapag walang pasok, tutulong ka sa mga kasambahay sa pagtatrabaho at paglilinis dito sa bahay..." instruksyon niya. Tumango ako. Nakakasunod. Ito na ba? Ito na talaga ang simula ng pagtupad ko sa mga pangarap ko? Nararamdaman ko eh! Ito na talaga eh! Ang saya ko! Akalain mo 'yon? Unang araw ko palang dito sa Maynila tapos nakahanap kaagad ako ng trabaho at makakapag-aral na rin ng kolehiyo sa wakas! "Opo, sir." "But aside from that, I have one great mission for you to do." "One great mission?" "Babantayan mo ang anak ko." Hyper na tumango-tango ako. 'Yon lang naman pala eh! Kayang-kaya 'yan! "Sige po, sir!" "Kaya lang hija, hindi kasi siya basta-basta eh..." "Hindi basta-basta? Bakit po sir? May sakit? Special child? Disabled? Ano po?" Umiling siya. "None of the above." "Kindergarten po siya?" Umiling ulit siya. "Elementary?" Iling na naman. "High schooler?" "Hindi din." "College din po? Graduate na?" Bumuntong-hininga siya. "He's college. Like you." "Gano'n po ba? Wala pong problema sa akin-" "WHO THE HELL IS SHE?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD