2- "Try me."

1160 Words
Awtomatikong napatingin kami sa nagsalita. Isang lalaking naglalakad sa hagdan pababa habang mukhang bagong gising lang at mukhang bugnutin. Sarkastiko pang ngumisi ito. "Don't tell me kapatid ko na naman 'yan sa labas, dad?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ganyan n'ya kung pagsalitaan ang ama niya? "She's not, Niall. Her name's Sia. From this day on, siya ang magiging tagabantay mo. She will watch you every now and then." ani Mr. Anthony Montgomery. "Tagabantay ko?" natawa ito. "Are you kidding me?" "Do I look like I'm kidding you?" Gumuhit ang labis na pagkadisgusto sa mukha ni Niall. Oo, alam kong Niall pangalan niya kasi 'yon yung sinabi ni sir Anthony! "No way!" tumaas ang boses niya. "Hindi ko kailangan ng tagabantay!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nahiya at nanliit ako. "Hindi ko kailangan ng tagabantay lalo na ng patpating tagabantay!" dugtong pa niya. Grabe naman 'to oh! Oo nga't payat ako. Payat pero matangkad pa rin naman, hindi nga lang kasing tangkad niya. Pero hindi naman ako yung tipong payat na mukhang nalantang gulay! Payat ako pero maliksi rin naman at energetic! "Wala ka nang magagawa. The next day, I will enroll her to the University that is same to yours." "Pero hindi na ako bata para pabantayan pa! I can even protect myself! Anong magagawa ng patpating babaeng 'yan sa akin kapag binantayan ako? Ang maging instant yaya ko?" "Yeah, you're no more a kid but you're still a moron." "Whatever you say. There's no way in damn hell that I will let a girl watch over me!" irap nito at sinadya pa talaga akong banggain bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga nalang ako. Ito pala yung sinasabi ni sir Anthony na hindi basta-basta ang anak niya. Mukha nga! Bukod kasi sa mukhang bugnutin, mukha pang ubod ng suplado at walang modo! "That's what I'm talking about, hija. My son is not a special child nor a disabled person but a total moron, jerk, and a complete monster." Napalunok akong bigla. Kakayanin ko kaya 'to? Kakayanin ko ba talagang bantayan ang taong 'yon? Nakakatakot. Pero kung paiiralin ko ang takot at hindi ko kakayanin... pa'no na yung pag-aaral ko? Ah, hindi! Kakayanin ko 'to! Dapat kong kayanin ito alang-alang sa pangarap ko! Kahit mukhang hindi magiging madali, lalakasan ko nalang loob ko. "Ano, hija? Kaya ba?" Tumango ako. "Kakayanin po, sir." Ngumiti si sir Anthony. "Kung gano'n tara na sa taas. I will lead you the way sa magiging kwarto mo rito sa bahay." "Sige po, sir." Nakarating kami sa taas at binuksan niya ang isang kwarto. "This will be your room while you're staying in this house so please feel comfortable, hija." "Maraming salamat po, sir." Ilang sandali pa'y umalis na ang ginoo at iniwan ako. Naupo ako sa kama at tiningnan ang paligid ng kwarto. Ang ganda at ang laki, malinis. Grabe! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking kwarto at titira ako rito habang nagtatrabaho at nag-aaral sa Maynila. First time kong magkakaroon ng sarili kong kwarto! Sa probinsya kasi, isang kwarto lang at tatlo na kami ng mga kapatid ko ang natutulog. "HOY!" Natigil ako sa pag-iisip-isip nang makita ang aroganteng lalaking prenteng nakatayo sa pintuan nitong kwarto ko. "Si-sir Niall..." Hindi ko alam kung ba't natataranta ako pero kinakabahan talaga ako sa batid ng seryoso at suplado niyang mukha. Oo nga't gwapo siya, aminada ako do'n at hindi ko naman talaga maitatanggi 'yon. Nakapamulsa siya't pansin ko kaagad ang muscles niya sa kanyang mga braso. Ang kisig niya, lalaking-lalaki at mukhang ang lakas niya. Nakaitim na pajamas siya tapos puting sando sa itaas. Siya yung tipo ng lalaking matikas na nakakakaba. Nakapamulsa siya't patamad na pumasok. "Hindi ko alam kung anong pakay ng pagparito mo't wala akong pakialam..." Hindi ako nakapagsalita. "But one thing is for sure, nakakainis na may bubuntot-buntot sa aking kung sinong tao. Yung ayoko pa naman sa lahat ay yung sinusundan-sundan ako na parang may buntot ako kahit saan ako pumunta." Ah, alam ko na kung anong pakay niya't sinadya talaga ako hanggang dito. Kasi sasabihin niyang 'wag kong sundin ang gusto ng daddy niyang pagpapabantay sa kanya sa akin! "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong tantanan mo ako. Wala akong pakialam kung susundin mo si daddy sa mga utos niya basta 'wag lang iyong may kinalaman sa akin." Tama nga ako ng hinala! Bumuntong-hininga ako't matapang na sinagot siya. "Hindi pwede. Amo ko si sir Anthony kaya anuman ang ipag-utos niya susundin ko kahit konektado pa sayo." "DAMN IT!" Nagulat ako at napapitlag sa biglang pagtaas niya ng boses. Napakamainitin talaga ng ulo! "You know what, lady..." mahina na ulit ang boses niya pero lumalapit siya sa akin kaya napapaatras ako. Kinakabahan talaga ako! "Hindi ko kailangan ng tagabantay lalo pa't kapag patpating katulad mo. What will you do when I'm in times of trouble? Anong magagawa ng katawan mong mukhang kinulang sa sustansya? Maipagtatanggol mo man lang ba ako?" Grabe s'ya oh! Payat lang ako pero kumakain din naman ako ng gulay kaya hindi naman siguro ako kinulang sa sustansya? Sadyang ayaw lang siguro ng katawan kong makipag-cooperate sa mga kinakain ko at ayaw akong patabain! "You're silent." gumuhit ang ngisi ng tagumpay sa kanyang mamula-mula at mamasa-masang labi. "It means, pakikinggan mo na ako at hindi mo na susundin ang utos ni daddy na pagpapabantay sa akin..." Umiling ako. Naninindigan. "Hindi. Hindi ikaw ang pakikinggan ko kundi ang ama mo kaya susundin ko anumang iutos niya kahit may kinalaman pa sayo, at kung gusto ka niyang pabantayan sa akin, 'yon ang gagawin ko." Napalis ang ngisi nito. "Hindi mo 'yan gagawin, darling..." mahina ang kanyang boses pero puno ng pagbabanta. Hindi dapat ako matakot sa kanya! Alang-alang sa pag-aaral ko, hindi dapat! "Susundin ko si sir Anthony at gagawin kong bantayan ka." Tinungkod niya ang dalawang mga kamay sa kama para kornerin ako tapos inilapit niyang maigi ang kanyang mukha sa mukha ko. "Hindi mo gagawin..." Napahawak ako sa puso ko. Ang bilis ng pintig nito sa kaba. Ano bang ginagawa ng nilalang na 'to! "Gagawin ko!" Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti ng malambing saka idinikit ang kanyang noo sa aking noo. "My dear, hindi mo gagawin..." Kahit ang demonyo ng ngiti niya, sobrang nalulunod pa rin ako. Alam kong puno ng lambing ang tinig niya, lambing na puno ng awtoridad. Nanindigan ako. Nandito na ako eh at malapit na ako sa pangarap ko, hindi ang tulad niya ang makakapagpaatras sa akin sa matagal ko nang pinapangarap na makapag-aral sa kolehiyo! Napapikit ako ng mariin. "Gagawin ko." "Ah gano'n? Sige, tingnan natin kung mapanindigan mo pa 'yan pagkatapos nito!" and with that, his lips crushed against mine. Nagulat ako't nanlaki ang mga mata. A-anong ginawa niya? Ngumisi siya pagkatapos niya akong halikan. "Sundin mo si daddy at makikita mong sobra pa dito ang magagawa ko. Try me, darling..." hindi pa ito nakuntento at kinagat pa ang ibabang labi ko. "Try me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD