bc

Three Portraits

book_age18+
80
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

• ON-GOING • FILIPINO • FANTASY •

Hanggang kailan at saan maghihilom ang pusong nasaktan, niloko at nilinlang ng labis?

Hanggang kailan matatapos ang padadalamhati at hinagpis ng pusong walang ibang ginawa kundi ang magmahal lamang ng tunay?

chap-preview
Free preview
Prologue
Kahariang Serenity. Ang mga kamay ni Cleo ay nasa kanyang likod habang may taling nakatali rito. Ang kanyang damit na noo'y napakaganda at mamahalin, ngayon ay naging napakadungis at maraming butas gawa ng kanyang pagtakbo sa masukal na gubat kung saan siya nahuli ngayon. Ang kawawang Prinsesa ay nagmumukhang pulubi na ngayon. Bakas din sa kanyang mukha ang mga iilang daplis na sugat. Naglalakad nga sila ngunit parang wala naman siyang buhay. Malamig lamang siyang nakatingin diretso sa kanilang nilalakaran. Ang kanyang mga paa ay marami nang sugat ngunit para sa kanya ay hindi na tumatalab ang sakit na dulot nito sa kanyang paa. Ang mga kawal na mataas ang tingin sa kanya noon, ngayon ay hinuhuli siya na para bang hindi siya kilala nang mga ito. Na para bang hindi nila kilala ang totoong tagapagmana ng Kahariang Serenity. "Noon ay nanumpa kayo nang katapatan sa aking ama…" Sumisikip ang kanynang puso sa tuwing naalala ang kanyang amang hari. “Mga wala kayong silbi sa kaharian ko!" mariin niyang wika sa mga kawal na tahimik lang na nakikinig sa kanya. Ano ba ang ginawa ng Heneral na kinamumuhian niya sa mga kawal ng Serenity at nagawa nitong magtaksil sa kanyang ama? Ang kanyang Amang Hari na napakabait sa lahat nang bagay. Ang kanyang Amang Hari na itinuring ang lahat ng taong kanyang nasasakupan bilang isang pamilya? ILANG oras ang nakalipas nang dumating sila sa sentro ng Serenity. Nang makapasok sila sa sentro ay kaagad sumalubong sa kanila ang mga mamayan ng Serenity. Blangko ang kanyang mukha na tinitignan ang mga ito. Lahat ay nag-iiwas ng tingin sa kanya. Bakas sa mga mukha nito ang awa para sa kanya ngunit walang magawa dahil batid niyang paparusahan ng kamatayan ang kung sino mang tao ang tutulong sa kanya. Itinali siya sa isang poste at doon pinalibutan ng napakaraming kahoy. "Ito ba ang parusa ko?" Sa twing naalala niya ang sinapit ng kanyang buong angkan ay parang nabibiyak ang kanyang puso sa dalawa. Siya na lamang ang natitirang may dugong maharlika. Dahil ang kanyang buong angkan ay walang awang pinatay nang pesteng Heneral na meron palang masamang intensyon sa Kahariang Serenity. Batid niyang uhaw ito sa trono at kapangyarihan dahil kung hindi… edi sana nakuntento ito sa kanyang posisyon bilang isang Heneral. "Magbigay pugay sa Hari!" anunsyo ng kung sino. Kaagad tumiim ang bagang niya sa narinig at mas lalo lamang siyang nagalit nang makita ang huwad na Hari na nakasakay sa palanquin. Pilit siyang kumakawala sa pagkagapos at gusto niyang patayin at sakalin ito hanggang sa malagutan ito nang hininga. "Sa oras na makawala ako rito, wala akong sasayangin na pagkakataon upang patayin ka!" Aniya sa kanyang isipan. Walang magawa ang dalaga kundi ang umiyak na lamang sa tuwing nakakita siya ng bagay na nagpapaalala sa kanyang amang Hari. Ang magagara at mamahaling damit ng kanyang ama dati, ngayon ay suot na nang huwad na Hari at ang korona ng Serenity ay sout rdn nito. Nakaupo ito sa palanquin na para bang ito ang totoong Hari. Diretso itong nakatingin sa kanya. Hindi na siya nagpupumiglas na makawala sa pagkagapos at imbes ay nakipaglaban siya ng titigan sa pekeng Hari. Bakas ang galit at poot sa mga mata nito habang nagtitigan sila, gano’n din si Cleo. Bumaba ang Hari sa Palanquin at dumiretso sa kanya. Naglalakad ito palapit sa kanya habang may dalang kahoy na mayroong apoy. Walang pasubaling sinampal ng pekeng Hari ang Prinsesa at dahil sa lakas no’n ay dumugo ang gilid ng kanyang labi. Nagsinghapan ang lahat ng tao sa nakitang dugo na nagmula sa gilid ng kanyang labi at ilong. Wala siyang ibang naramdaman kundi galit at poot sa ginawa nitong kalapastangan sa kaniyang pamilya. Noong nabubuhay pa ang kanyang amang Hari, walang kung sino man ang makakasakit sa kanya, ngunit ngayon ay wala na ang batas na iyon. Humarap ang pekeng Hari sa mga tao dahil sa mga naririnig na singhap. "Huwag niyong sabihing naaawa kayo sa Prinsesang ito?!" nanggagalating sigaw nito. "Pinatay niya ang aking anak at ang asawa ng anak ko! Ngayon ay wala nang magulang ang kawawang apo ko!" Dahan-dahang napaangat ng tingin si Cleo sa pekeng Hari na nakatalikod sa kanya dahil sa narinig niya mula rito. Kumunot ang noo niya at hindi makapaniwala sa balitang nalaman. Patay na si Caspian? Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Mas mabuti na ring namatay ang lalaking iyon. Tanging sama lamang nang loob ang naidulot nito sa kanya. Walang nakuhang sagot ang pekeng Hari sa mga tao kaya naman ay padabog itong humarap ulit sa kanya. Pumula ang leeg nito at ang dibdib ay nagtataas-baba dahil sa galit sa kanya. Malademonyong ngumisi si Cleo sa pekeng Hari. "Masakit? Masakit ba mamatayan ng pamilya?" Tumawa siya at dahil sa katahimikan ay parang nag-echo ang kanyang halaklak sa buong paligid. "Kulang pa, kulang pa ang ginawa ko sa iyo sa ginawa mong kalapastangan sa akin!" "Paano mo iyan magagawa kung sa mga oras na ito ay mayroon nang nag-aabang na kamatayan sa 'yo?!" sigaw nito at tinutok sa ang apoy na dala nito sa mga kahoy. Sa halip na matakot ay ngumisi siya. "Gawin mo! Sa tingin mo ba ay natatakot akong mamatay? Inubos mo na ang rason ko para mabuhay kaya, sige, gawin mo!" Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo. "Oh, Heneral, sa tingin mo ba ay mayroong magandang maiidudulot ito sa mga henerasyon mo?! Lahat nang ginawa mo, sa tingin mo ba ay makakalimutan ng mga tao? Magmamarka sa inyong dugo ang ginawa mong kalapastangan. Isipin mo na lamang na ang apilyedo mo ay tatawaging peke, huwad at magnanakaw." Humalakhak siya nang napakalakas. "Hindi na ako makapag-antay na masubaybayan iyon sa kabilang buhay ko." Sa oras na humalakhak siya ay umambon din. Lahat sila ay napatingala sa langit. Bakas ang takot at pangamba sa mukha ng pekeng Hari dahil sa mga sinabi niyang bumaon sa isipan nito. "Tingnan mo? Sa akin kumakampi ang langit," mapanuyang wika ni Cleo. Para kasing umulan para mapigilan ang kanyang kamatayan sa kamay ng apoy. Mas lalong lumakas ang ulan hanggang sa kumulog at kumidlat ito nang napakalakas. Lahat nang mamamayan na nanunuod sa kanila ay hindi umalis kahit pa nababasa na ang mga ito sa ulan. "Akin na ang aking espada!" Kasabay ng pagsigaw ng pekeng Hari ay siyang pagkidlat din, ngunit hindi ito natakot. Kaagad ibinigay ng kawal ang kanyang espada. Bahagya niyang ipinilig ang sariling ulo nang itinutok na ng pekeng Hari ang dulo nito sa kanyang lalamunan. Mas lalong hinamon ni Cleo ang pekeng Hari at kanya itong tinaasan ng kilay. Nagsinghapan lahat ng tao nang makita ang sunod-sunod na pangyayari. Namanhid lahat ng katawan ni Cleo nang maramdaman ang kung anong tumusok sa kanyang puso. Dahan-dahan siyang nagbaba ng tingin dito. May pana na tumama sa kanyang puso. Nagulat ang lahat ng tao pati na rin ang pekeng Hari kaya sinundan nila ng tingin ang direksyon kung saan nanggaling ang pana. Ganoon din ang ginawa ni Cleo. Kasabay ng malalakas na kulog at kidlat ay ang napakalakas na iyak ng sanggol na siya ring dahan-dahan ng pagbaba ng kanyang talukap sa mga mata. Ang pag-iyak ng sanggol ang siyang nagpaalaala kay Cleo na meron pa siyang babalikan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
70.5K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
203.0K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

A Warrior's Second Chance

read
338.2K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.8K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook