I'm still an awe because of his house— No this isn't a house! I'll consider this as a palace! Saang lugar ba ito ng Pilipinas? Cagayan De Oro? Maraming mayayamang tao ang naninirahan sa CDO!
Nahinto ang aking mga mata sa paghagod ng kanyang bahay ng makakita ng isang di kalakihang frame. Napakurap-kurap ako, hindi malaman kung totoo ba ang nakita ko.
Anak ba niya ang 'yung lalaking bastos na nang-iwan sa akin? Hindi ko mapigilang mapangiwi sa iniisip, kung anak niya 'yon napakalayo ng ugali nila sa isa't-isa!
Isang tikhim ang nagpaalis ng atensyon ko doon. I pouted when I saw him smiling boyishly at me.
"Look like you're interested on my Cat?" Aniya habang nakangiti ng malawak. Nagsisindi na siya ng sigarilyo ngayon.
Kaagad akong umiling. "Iba ang interesado sa curious, 'no! At saka siya 'yung taong nang-iwan sa akin kung saan mo ako nakita! Napakabastos talaga!"
He shook his head lazily. "Yeah, whatever."
Bakit ba pusa ang tawag niya roon? Yes, I hate him but I can't deny how coldly handsome he is. He should be grateful kase ngayon lang ako umamin na pogi siya, which I don't usually do. Busy ako sa takbo ng buhay ko para pumuri pa ng ibang tao.
"Can I ask a question?" Tanong niya bago bumuga ng hangin sa kanyang sigarilyo.
Tumango ako ng marahan. Sa unang tingin mo sa kanya para siyang isang masungit at sophistikado na tao ngunit kapag nagsasalita na siya masasabi mong salungat ang unang tingin mo sa kanya.
"So where do you live?"
It's just a simple question but it breaks my heart. Wala akong permanenteng tahanan, depende na lamang ito kung hindi umaatake ang sakit ko. Ni hindi ko nga alam kung makakabalik pa ba ako sa pagtatrabaho doon sa bar.
"I... I don't have a permanent home, yeah..." Nahihiyang sagot ko at hindi mapigilang mapayuko.
"And why is that?" Halata sa kanyang boses ang gulat.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya, I don't want to be negative. "It's a long long long story."
Nagkibit-balikat siya at bahagyang tumango.
"Nakita ko kung paano ka kinaladkad ni Tristan palabas sa likod ng kanyang compartment..."
I couldn't help but to chuckle ripely. Should I tell him the whole story? But... He's a stranger. Hindi dapat ako nagtitiwala. What if he can help me on my problem?
He chuckled. "C'mon loosen up." Aniya na ngayo'y tsaa na ang hawak.
Halata ba sa mukha ko ang pagdadalawa kaya niya nalaman ang iniisip ko?
Malalim akong napabuntong-hininga. Mayaman siya, kaya impossible naman na magkaroon ito ng interes sa buhay ko.
My lips pursed. "Someone chased me and yeah I ended up on your son's back compartment-"
He sneered. "What son? That p***y cat isn't my son. I am way handsome than that guy!"
My lips parted. Hindi niya anak 'yon? Pero bakit mukhang kung sino siya kung makaasta rito sa kanyang pamamahay?
"Kung ganun... Pamangkin?"
Umiling siya muli. Then I tried to guess.
"Kaibigan ng anak mo?"
He cleared his throat and slightly fixed his black suit. "I'm single, Ms Versoza."
Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya? Sa tanda niyang 'yan, single siya? Impossible! Baka nagsisinungaling lang sa akin ang isang 'to?!
The side of his lips rosed. "I am so offended in your reaction, Clea."
Tumawa ako ng konti bago umiling-iling. Hindi pa rin makapaniwala. Kung tatanda siya sino ang mag-alalaga sa kanya? At sa pagkaalala ko isa siyang CEO. Sinong magmamana lahat ng kayamanan niya?
Tss, 'yan pa talaga ang naisip ko.
Baka tinaguan ng anak?
"Uh, no... No past relationships? I mean wala ka bang naging mga jowa noon?"
Napangisi ito sa tanong ko. "I have tons of girlfriends before but no one made me fall into the depths." Aniya at tinaasan ako ng kilay.
The hell? As in wala talaga?! Baka...
"Then are you a gay-" He cut me off immediately.
"You don't have a boyfriend then you're a lesbian!" He hissed.
Kumunot ang noo ko, syempre wala namang magtatangkang manligaw sa akin dahil sa sakit ko!
"Well, I have a reasons and you don't have-"
Hinilot niya ang kanyang sentido na para bang ang sinabi ko ay napapa-stress sa kanya. It's not a harmful question. Puwede naman siyang sumagot kaagad na hindi.
"Just like I said no one managed to make me fall into yhe depths. Isn't that counted as my reason?" Saad niya sa kalmadong tanong.
I shrugged. There's no point of arguing here.
"Okay."
Napapapikit siya ng mariin sa sagot ko. Ano bang problema niya? Ni hindi na nga ako pumalag sa rason niya kahit pa hindi naman kapani-paniwala.
Meron siyang ibinulong ngunit hindi ko ito masyadong naintindihan. Hindi ko mapigilang uminom sa juice na inilapag ng maid kanina rito.
Hindi ko na alam kung kailan ang huling inom ko... Kaya pala uhaw na uhaw na ako.
"Anong oras na..." Bulong ko at sumulyap sa mumurahing relo ko.
"So back to the main topic. Someone chased you before you get into that Pussycat's car?"
I nodded modestly.
"And why is that person chasing you?" His brows slightly furrowed.
Pati ba 'yan kailangan ko ring sagutin? Pero malay natin diba? Baka matulungan niya ako.
"May kasalanan ako sa kanya." Mahinang sagot ko, nahihiya.
"Mind telling me why?" Seryoso na ang kanyang boses ngayon.
I took a deep breath before I sighed heavily.
"Well, I'm sick. You know... I'll just woke up not knowing that I already hurted the person who tries to harm me... That's also the reason why I don't have a permanent home."
Hindi ko alam pero naging seryoso ang buong paligid namin. The ambiance were so heavy because of his aura. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
"May mga tao kang nakakasalamuha na gusto kang saktan... and then you'll just black out and when you're senses is back, nasaktan mo na pala ang mga taong gusto kang saktan?"
Nahihiyang tumango ako. He explained it clearly than what I said to him.
"Kailan mo ito nadiskubre?"
Thinking about that question made my heart clenched. I loathed that day. I really hated that day.
Rinig ko ang buntong hininga ng matanda sa harapan ko. "You don't have to-"
"When my mother died." Buong lakas kong sagot sa tanong niya.
"Did she tried to hurt you?"
Malungkot akong umiling. "My father did, nagising na lamang ako ng makitang may hawak na si Mama na kutsilyo and then... My father is soaking blood laying on the floor."
Hindi ako naniniwala na si Mama ang gumawa nun kay Papa. She just covered the crime I committed. Sinalo niya ang kasalanang para sa akin.
Pinipigilan kong huwag umiyak, nakakahiya kaya.
"Iyan lang ang makukuwento ko sa iyo."
Sumandal siya sa kanyang upuan na mukhang upuan ng hari bago ako tinaasan ng kilay.
"I can help you on your illness." Pinal niyang wika na siyang ikinaayos ng upo ko sa kinauupuan.
My eyes widened a little bit.
"T-talaga? Paano?"
He grinned evilly. "Syempre hindi ko sasabihin sa 'yo."
Hindi ko mapagilang mapanguso.
"Impossible, this sickness is for a lifetime. Bata pa lang ako, ganito na ako." Hindi ko mapigilang mainis at mairita. Ayokong umasa sa sinabi niya, kahit pa napaka-impossible naman nito!
"In one condition." Aniya at sumipol.
I couldn't help but to bite my lower lip. Parang scammerist yata ang sang 'to eh!
"A-ano?"