"IF YOU keep frowning I swear, Versoza, I'm gonna kick you in the middle of this road." Napaawang ang bibig ko at nilingon siya. This woman… Wala naman akong ginawa, ah! Ano kayang trip niya? Nang makitang sinamaan ko siya ng tingin, nang angat siya ng kilay sa akin at nakikipaglaban ng tinginan kahit pa nagmamaneho. "Eyes on the road!" Anas ko at masama ang loob na nag-iwas ng tingin. Bukod sa hindi maganda ang mood ko sumama na rin ang kanyang music taste. Ewan ko at ang weweird ng mga music niya! Habang siya ay tuwang-tuwa, nagheheadbang pa! I heard her snorting. "Don't worry, I'll tell Ethan to feed you in time." Alam niyang iyan ang ikinasasama ng loob ko sa kanila kaya mas lalo niya akong iniinis. Napatikhim ako at sumandal sa upuan ng kanyang kotse na para bang pagod na

