KEYCEE POV Alas dies na ng gabi. Tulog na ang mga bata pero kaming mag-asawa, mas pinili naming hintayin si Ryan para makausap. Tumawag kasi siya at sinabing dito uuwi ngayon. Nabanggit niya rin na pumayag na raw siya sa gusto ng lolo nila na pakasalan si Wynter o mas kilala ko bilang si Ryza na kaibigan ko noon. "Hubby, gano'n ba talaga kapag mayayaman? Required ba talaga ang mga arranged marriage?" taka kong tanong habang nasa living room kami, magkatabing nakahiga sa couch nang magkayakap. Nakasandig ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. "Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang mindset nila, wifey. Pero kung iisipin mo, sa atin, hindi na rin naman masama dahil kung hindi tayo pinagkasundo, baka hindi tayo magkasama ngayon," sagot niya. "Naaawa ako kay Ryan, hubby. Siguradong dahi

