KEYCEE POV Kasabay kong kumakain ng almusal si Ace at Ryan. Kami na lamang tatlo ang magkakaharap dahil nang matapos ang mga bata ay nagpuntahan na sa living room at may kaniya-kaniyang hawak na cell phone. Wala isa man kay Ace at Ryan ang nagsasalita, tahimik lang sila at mababakas pa rin sa kanilang mga mukha ang lungkot dahil mag-iisang linggo na halos na nasa ospital ang lolo nila. At ayon sa doktor ay hindi pa rin ito nagigising. Ilang beses na rin kaming dumalaw sa ospital kasama ang mga bata. At sa tuwing pupunta kami roon, pinakakausap ko sa mga anak namin ni Ace si Don Adolfo para sabihing gumising na ito. Dahil ang sabi ng doktor ay baka raw makatulong iyon para lumaban pa si Don Adolfo at muling magising. Si Ace at Ryan man kung minsan ay kinakausap din ang lolo nila. Kahapo

