RYZA LOPEZ (WYNTER) Hindi ko akalain na may mas titigas pa sa ulo ko at si Ryan 'yon. Kahit na kasi nalaman na niya ang tungkol sa nakaraan ni Ryza Samson, plus ang ginawang pananakot sa kaniya ng lolo niya na itatakwil siya kapag hindi pumayag sa kasal namin, parang mas pipiliin niya pa rin ang babaeng 'yon. Why does it have to be her? I'm the best choice for him right now. Ano pa ba ang gusto niya? "Monet?" Nabaling ang tingin sa 'kin ni Monet nang tawagin ko siya. Abala siyang kumakain. Nasa garden kami at magkaharap sa mesang naroon dahil dito ko siya niyaya at nagpasama akong kumain para na rin makalanghap ako ng sariwang hangin. Pakiramdam ko kasi ay sinasakal ako kapag nasa loob ng bahay. "Mmm?" Nag-hummed lang siya, hindi siya makasagot nang maayos dahil puno pa ang bibig niy

