Chapter 63. Sitting On His Lap

2020 Words

WYNTER JUAREZ "Kaya lang..." Nag-angat ng tingin si Ate Mercy sa akin at sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong kinabahan dahil dahan-dahang nalaglag ang mga balikat niya. "—mangyayari lang 'yon kung mabubuhay ka." Napalunok ako sa sinabi niya at hindi nakakibo. "Ano'ng ibig mong sabihin, Mercy?" nag-aalalang tanong ni mommy sa kaniya. Saglit naman niyang binalingan ang ina ko. "Nasa hukay ang isang paa ng anak mo. Anumang oras...p'wede s'yang mapahamak." Saka niya binalik sa 'kin ang tingin, habang tila may tumatambol sa aking dibdib. "Sobra ka magmahal, Wynter. Lahat kaya mong ibigay o gawin para sa taong mahal mo. Kahit maubos ka pa." Saglit niya akong tinitigan sa mga mata, kasabay ng muli kong paglunok. "At 'yung pagmamahal mo na 'yon ang hihila sa'yo sa bangin para mapahamak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD