WYNTER JUAREZ Ilang beses akong nagpakawala nang hangin sa dibdib ko para lang pigilan ang paghikbi ko habang papunta sa cashier, sa pinakadulo. Para naman hindi kami magkalapit. Siguro naman ay tatamarin na siyang magtulak ng mabigat niyang push cart papunta rito. Sabagay, I'm not that important para sundan niya pa rito. Ipupusta ko buhay ko, hindi niya ako susundan dito dahil basket lane ito. Siguradong doon siya pipila sa card payment. Nang matapos ang customer na sinusundan ko sa pila ay umabante na ako agad para isa-isang hanguin sa basket ang mga pinamili ko na sa tingin ko ay nasa one thousand pesos lang naman, o baka wala pa. Ibinaba ko ang basket sa gilid at pumuwesto ako sa bandang harapan kung saan matatanaw ko ang presyo ng mga pina-punch ng kahera. "Ate, wait! Wait lang."

