Chapter 58. Ryan's Words

1878 Words

WYNTER JUAREZ Alas una ng hapon nang makauwi ako sa bahay galing sa university. Wala pa si Ryan. Tanging ang dalawang guwardya lamang namin sa labas ang inabutan ko. Tinanong ko pa sila kung kumain na. Oo raw, bumili sila sa labas kaya hindi ko na kailangan pang magluto ngayon. Sigurado rin namang kakain na si Ryan kung nasaan man siya ngayon. Matapos kong magpalit ng pambahay, binitbit ko agad ang cell phone ko papunta sa sala. Hinawi ko ang malaki at mahabang kurtina sa gilid para kahit papaano ay pumasok ang liwanag sa salaming wall. Saka ko binuksan ang malaking flat screen tv upang aliwin ang sarili ko. Nahiga ako sa mahabang couch at nagsimulang manood sa Netflix ng Hellbound. Pero ilang minuto pa lamang iyon naka-play nang tumunog ang messenger ko. May tumatawag. Nang tingnan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD