Chapter 17

3094 Words
SUMABAY SIYA SA kanyang ama, si Alex naman ay kasabay ng ibang bodyguard sa kabilang sasakyan. Pagkalabas nila kanina ni Alex sa bahay ay hindi na uli sila nag usap, hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito. Hindi niya alam kung ulang oras ang naging byahe nila hanggang sa maging pamilyar na siya sa dinadaanan nila pero alam niyang hindi iyon papunta sa mansyon. “Dad, where are we going?” nagtatakang tanong niya. “May dadaanan lang muna tayo Samantha” sagot nito. Napansin niya ang pagdadalawang isip ng kanyang ama kung magsasalita pa o hindi na pero nagpatuloy pa din ito. “I want you to meet kung sino ang gustong kumidnap sayo” mahinag sabi nito, sapat na para marinig niya na ikinagulat niya. “What? Siya yung pupuntahan natin?” “Yes Hija, I think you have the right na makilala din siya” “But Dad, for what?” “It’s better that you know” sagot lang nito. Alam niyang wala na siyang magagawa kaya hinayaan niya na lang ang kanyang ama sa gusto nito. Kinakabahan man siya pero alam niyang hindi naman siya pababayaan ng kanyang ama. Pagdating nila sa prisinto ay agad silang dinala sa waiting area para hintayin ang taong nagtangkang kumidnap sa kanya. Ayon sa kanyang ama ay hindi pa din niya ito nakakausap dahil wala siyang oras para puntahan ito sa bilangguan. Nakaupo si Samatha katabi ang kanyang ama, nasa likuran naman sila Alex at Jaime. Hindi niya alam kung si Alex ang nasa likuran niya dahil hindi niya iyon tiningnan. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang taong papalapit sa kanila kasama ang isang pulis. Hindi man lang pumasok sa isip niya na siya ang taong iyon, kaya pala pamilyar ito, kaya pala alam niya ang pasikot sikot sa construction site, sa restaurant, at sa bahay dahil lagi itong nandun sa mga lugar na iyon. Rebecca? Nakangisi si Rebecca papalapit sa kanila. Umupo ito sa tapat niya at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng takot pero nilabanan niya ang takot na iyon dahil gusto niyang malaman kung bakit nagawa iyon sa kanya ni Rebecca. “Why Rebecca?” mahinang tanong niya. “Kung hindi lang dahil diyan sa bodyguard mo, malamang wala ka na” nakangising sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Halos manginig ang buong katawan niya dahil sa sinabi nito, balak ba talaga siyang patayin ni Rebecca? Naramdaman niyang may humawak sa kaliwang balikat niya, hindi man niya lingunin iyon ay pamilyar na sa kanya ang haplos na iyon. Si Alex. “We talked Rebecca, I offer you a new job and you agreed on it. Bakit mo nagawa ‘to?” kalmadong tanong ng kanyang ama. Tumawa ng mahina si Rebecca at tumingin kay Don Tonny. “Hindi porket nag usap tayo Sir ibig sabihin nun okay na ako, alam niyo ang dream job ko pero tinanggal mo ako sa pagiging bodyguard ko” panunumbat na sabi nito. Ibinaling muli nito ang tingin sa kanya. “Ikaw ang may kasalanan nito, kung hindi ka patay na patay diyan sa boyfriend mo sana hindi ka natutong mag sulsol sa akin para iwan kayong mag isa. Ano? Hindi na ba kayo makapag solo? Hindi ka na ba niya magalaw? Ang a…” Nagpintig ang tenga niya dahil sa sinabi ni Rebecca kaya bigla niya na lang itong nasampal. Isang malakas na sampal kaya naramdaman niya ang sakit ng balikat niya. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Rebecca. “How dare you, I trusted you” nanginginig na sabi niya. Ngumisi na naman si Rebecca bago nagsalita. “Thank you for the trust Ma’am pero ikaw pa din ang dahilan kung bakit nawala ako sa trabaho ko, lalo na yang Pierre na yan na akala mo kung sinong mayaman kung magbigay ng pera sa akin. Alam mo bang ilang beses akong tinakot ni Pierre para lang maiwan kang mag isa dahil kung patay na patay ka sa kanya, baliw na baliw naman siya sa’yo” sabi nito. “No, hindi ganyan si Pierre” pagtatanggol niya sa kanyang kasintahan. Naramdaman niya na tinanggal ni Alex kamay nito sa balikat niya. “Sinisiraan mo lang siya dahil galit ka pareho sa amin” “Really, let’s see” nakangisi pa ding sabi nito. “Enough Rebecca!” sigaw ng kanyang ama. “Why Sir? Totoo naman diba? Ikaw din naman kahit kailan wala kang tiwala sa boyfriend ng anak mo” sabi nito. “Akala mo ba hindi ko alam na kahit na may bodyguard na si Samantha meron ka pang onsite bodyguard na hindi namin alam, diba siya ang nagsumbong sa iyo kaya nalaman mo na nakakatakas si Samantha sa akin” sabi nito. Napalingon siya sa kanyang ama. “Dad?” tawag niya sa kanyang ama. “I will explain later” sabi lang nito. “Walang nagmamahal sa’yo Samantha, gumising ka sa katotohanan, Nanay mo lang ang totoong nagmamahal sayo at wala ng iba, katulad ko din ikaw na mag-isa na lang …” “I said enough!!!” hinampas ng kanyang ama ang lamesa at padabog itong tumayo. “Let’s go Samantha. And you …” turo nito kay Rebecca. “…we’re not done, babalikan kita” “Sure Sir, I will wait for you” sabi nito at tumawa ng malakas. Nakatitig lang siya kay Rebecca habang tumatawa ito at ganoon din si Rebecca sa kanya. “Samantha, let’s go” sabi ng kanyang ama. “SAMANTHA ARE YOU okay?” tanong ng kanyang ama. “Yes Dad” sagot niya. Mula pag alis ng prisinto ay tahimik lang si na lang siya dahil iniisip niya ang mga sinabi ni Rebecca. Walang nagmamahal sa’yo Samantha, gumising ka sa katotohanan, Nanay mo lang ang totoong nagmamahal sayo at wala ng iba, katulad ko din ikaw na mag isa na lang naalala niyang sabi ni Rebecca. Walang nagmamahal sa akin? Pero mahal na mahal ako ni Pierre. Napabuntong hininga na lang siya. “Samantha, what happened to your shoulder?” nag aalalang tanong ng kanyang ama. Magkatabi sila sa passenger seat ng sasakyan at si Jaime ang nagmamaneho. Napatingin siya sa kanyang balika, may mantsa ng dugo ang manggas ng damit niya. “It’s okay Dad, na pwersa lang ata kanina nung nasampal ko si Rebecca” “Let’s go to Dr. Ramirez, Ja…” “No Dad, lilinisan lang to, let me handle this sa mansyon. Malapit naman na tayo” sabi niya. “Are you sure?” “Yes Dad” “Okay” hindi na siya pinilit ng kanyang ama. Pagdating sa mansyon ay unang nagbabaan ang isang sasakyan kasama si Alex. Nakaabang ang mga ito pagbaba nilang mag ama, nakita din niya si Mang Benny at sila Loisa sa hagdan para salubingin sila, dahil wala siyang ganang batiin ang mga tao sa paligid ay dumeretso na siya sa pagpasok ng mansyon hanggang sa silid niya. Alam niyang nasa kanya ang mga mata ng mga tao pero hindi niya na iyon pinansin pa. Pagdating niya sa kwarto ay agad niyang hinanap ang first aid kit nang makita niya iyon ay pumasok muna siya sa banyo para palitan ang damit niya. Nagpalit siya ng maluwag ng T-shirt para mas madaling maangat ang kanyang manggas, nagpalit na din siya ng short. Paglabas niya ng banyo ay inihanda niya ang kakailanganin sa paglilinis, nilagay niya iyon sa side table sa tabi ng higaan niya. Nang matapos niyang ihanda ang mga gamit, tiniklop niya ang kanyang manggas para matanggal na ang gasa, medyo nahirapan siyang ipaikot ikot ang gasa dahil isang kamay lang ang gamit niya, pero pinilit pa din niya nang biglang magbukas ang pintuan ng kwarto niya. “Let me help you” sabi ni Alex na agad na lumapit sa kanya. Nagulat man siya sa pagpasok ni Alex ay hindi niya iyon pinahalata. Hinayaan niya itong maglinis ng sugat at hinid na nag sungit pa. “Thanks, please call Loisa para linisin yung mga kalat. I am very tired, I want to rest” matamlay na sabi niya. Hindi siya tumingin kay Alex at agad na humiga sa kanyang higaan patalikod kung nasaan ito narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata bago lumabas ng silid. Kahit anong ikot at ayos niya ng higa ay hindi siya makatulog. Noong dumating si Loisa para linisin ang ginamit ni Alex ay nagpanggap siyang tulog at halos dalawang oras na ang nakakalipas ay hindi pa din siya nakakatulog. Hindi niya alam kung ano ang gumugulo sa isip niya, pakiramdam niya may mali sa mga nangyayari pero hindi niya alam kung ano ang maling iyon. Sinubukan niya pa ring makatulog pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok hanggang sa may kumatok sa kanyang silid. “Samantha?” nabosesan niya agad ang kanyang ama. Umupo siya sa kanyang higaan. “Come in” sabi niya. Pumasok ang kanyang ama, sinarado nito ang pintuan ng kanyang silid at umupo sa kama niya. “Did you sleep well?” tanong nito. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “No, I can’t sleep” sagot niya. “Then, can we talk on my study room?” muling tanong nito. “Sure Dad” walang ganang sagot niya. “But before we talk, can we eat lunch together first?” tanong ng ama niya. Bumangon naman agad siya, nakita niya ang pagtataka sa mga mata ng kanyang ama dahil hindi siya tumanggi dito. “Sure Dad” Pagbaba nila sa hapag kainan ay nandoon din sila Alex, Mang Benny, at sila Loisa, nakaupo din sila sa kainan. “From now on, I want all of us to eat together, masyadong malaki ang dining area para sa amin ni Samantha” sabi ng kanyang ama nang makaupo ito sa kanyang pwesto. Magkatapat sila ni Alex pero hindi niya ito tinitingnan. Magkakahelera sa upuan si Alex, Mang Benny, at Agnes. Kahelera niya naman sila Loisa at Andres. Wala siyang reaksyon sa sinabi ng kanyang ama at nagsimula na siyang kumain. Halos tahimik ang buong lamesa habang nagkakainan ang lahat at pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin. Ang ama niya ang bumasag ng katahimikan kaya halos nagtuloy tulot na ang usapan pero hindi siya sumasali sa usapan ng mga ito, sumasagot lang siya kapag siya na ang tinatanong ng kanyang ama. Tila walang gustong magtanong sa kanya maliban sa kanyang ama. Pagkatapos kumain ay niyaya siya ng kanyang ama sa Study Room, ganoon din sa Alex at Mang Benny. Sumunod naman siya agad dito na walang paalam sa kahit kaninong nasa lamesa. PAGDATING NILA SA Study Room ay umupo agad siya sa kanang bahagi ng lamesa ng kanyang ama, si Alex naman ay umupo sa tapat niya at nakatayo sa likod nito si Mang Benny. “Samantha, are you really okay?” tanong ng kanyang ama. “Yes Dad” matamlay na sagot niya. Bumuntong hininga ang kanyang ama na tila hindi naniniwala sa kanyang sagot. “Okay, to start I want you to know na base sa investigation ni Mr. Montes walang kausap na sinuman si Rebecca, kumilos siya sa sarili niyang kagustuhan at malinaw ang naging pakay niya kay Samantha” sabi nito at tumingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sa kanya ama pero wala siyang maipakitang reaksyon dito dahil hindi niya din alam kung ano ba ang nararamdaman niya. “At dahil nakakulong na si Rebecca at wala ng dahilan para mangyari uli ang gantong sitwasyon …” binalingan nito ng tingin si Alex. “…Alex, hindi na ikaw ang magiging bodyguard ni Samantha …” “But Sir …” pagtutol nito. “I think it’s time na maging maluwag tayo kay Samantha because it’s too long na din na hindi makakilos si Samantha on her own …” pakiramdam niya ay may sasabihin pa ito pero hindi na iyon tinuloy. Binalingan nito ng tingin si Mang Benny “Benny, ikaw pa din ang magiging driver niya. It’s up to her kung magpapahintay siya sa’yo or magpapasundo o hatid na lang siya sayo” “Yes Sir Tonny, pero ligtas na ba talaga si Samantha?” rinig niya sa boses nito ang pag aalala ni Mang Benny. “Yeah, don’t worry I’ll make sure na she will be fine” sagot nito. “Okay po Sir Tonny” sabi naman ni Mang Benny. “Maybe, you can go first Alex and Benny, I want to talk to Samantha alone” sabi ng kanyang ama. Agad na lumabas si Mang Benny, narinig niya naman si Alex na bumuntong hininga bago tuluyang lumabas. “Okay Samantha, before we start, I want to ask you a question again and I want a very honest answer” sabi ng kanyang ama. Napakunot noo siya dahil sa sinabi ng kanyang ama. “What Dad?” tanong niya. “I want to know, how are you?” tanong nito. “Dad, I al …” “I want an honest answer Samantha” putol nito sa sasabihin niya. “Mula ng pumunta tayo sa prisinto, nanahimik ka na, ang tamlay mo na. Kanina sa lunch natin kahit na nag uusap usap kami, ikaw nanahimik pa din, nakatingin ka lang sa pagkain mo, hindi mo man lang pinansin ang mga tao sa paligid mo. Nag aalala kami sa’yo Samantha” pagtatapos nito. “Pero Dad, kahit na gusto kong sabihin sayo ang totoo, kahit na gusto kong aminin sayo kung ano ang nararamdaman ko ngayon … ako mismo hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko” sagot niya. Unti unti na siyang nagiging emosyonal, gusto ng kumawala ng mga luha niya pero pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak. “What do you mean?” nag aalalang tanong nito. “Dad, pakiramdam ko totoo lahat ng sinabi ni Rebecca, hindi ko alam kung bakit ako naniniwala sa kanya at hindi ko alam kung bakit kailangan kong maniwala sa kanya” sagot niya. Unti unti ng lumalabo ang kanyang paningin at alam niya na ilang sandali na lang ay papatak na ang kanyang mga luha. “Alin doon sa mga sinabi niya ang tingin mong totoo?” “Hindi ko alam Dad, hindi ko na maalala lahat ng sinabi niya pero pakiramdam ko nag iwan ng kahulugan ang mga sinabi niya kanina, pero hindi ko alam kung ano iyon” kalahating totoo at kalahating pagsisinungaling na sagot niyo. Alam na alam niya kung ano ang mga mensaheng naiwan sa isip niya pero ayaw na niya itong ipaalam sa kanyang ama para hindi na ito magtanong muli. Thank you for the trust Ma’am pero ikaw pa din ang dahilan kung bakit nawala ako sa trabaho ko Alam mo bang ilang beses akong tinakot ni Pierre para lang maiwan kang mag-isa Walang nagmamahal sa’yo Samantha, gumising ka sa katotohanan, Nanay mo lang ang totoong nagmamahal sayo at wala ng iba, katulad ko din ikaw na mag-isa na lang. Pakiramdam niya lahat ng sinabi ni Rebecca ay totoo at sa dami ng sinabi nito ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin niyang alamin. “Samantha…” hinawakan nito nito ang kanyang kamay. “…I want you to know na whatever it is, I am always here for you, okay? You can always talk to me whenever you need me” seryosong sabi ng kanyang ama. “Thanks Dad” sagot lang niya. “And regarding your bodyguard, tulad ng sinabi ko, aalisin ko na yung bodyguard sa’yo. From now on, I want you to enjoy your life, honestly I still don’t trust Pierre for you, pero if his your happiness, you know that I will support you” sabi nito. “Thanks Dad, I appreciate it” bahagya siyang ngumiti sa kanyang ama. “But one thing, I want to know if your okay to have an onsite bodyguard? It’s not a suggestion Samatha okay, it’s a question” agad na paliwanag nito, marahil ay nakita ng kanyang ama ang pagbabago ng kanyang reaksyon. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “I prefer not to have Dad” “Okay, I do understand Hija” sabi ng kanyang ama. Nakita niya ang pagiging totoo sa mukha ng kanyang ama. PAGKATAPOS NILANG MAG usap mag ama ay umalis din agad siya sa Study Room para bumalik sa kanyang silid. Pakiramdam niya ay punong puno ang utak niya sa mga dapat niyang gawin at isipan kung paano niya malalaman ang totoo sa mga sinabi ni Rebecca. Nang makarating siya sa tapat ng kanyang silid ay akmang bubuksan na niya ang pintuan nang biglang may humawak sa kanyang braso. Si Alex. “Sam” malumanay na banggit nito. Dahil sa pag iisip niya ay hindi na niya napansin si Alex na nasa tapat ng pintuan ng kanyang silid. “What?” Pakiramdam niya ay walang dating ngayon ang pagtawag nitong ‘Sam’ sa kanya. “Lilinisan ko na ang sugat mo” sabi nito. “Okay” maikling sagot niya at agad na pumasok sa kanyang silid, alam niyang nakasunod si Alex sa kanya. Umupo agad siya sa gilid ng kanyang higaan at abala naman si Alex sa pag-aayos ng panglinis na gagamitin. Nang matapos ito sa pag aayos ay agad nitong nilinisan ang kanyang sugat. Sa buong paglilinis ni Alex ay tanging katahimikan lang ang nasa paligid nila, walang gustong magsalita hanggang sa matapos na lang ito sa paglilinis. “Sam, I know your not okay” basag nito sa katahimikan nila habang nagliligpit ng mga gamit. “Let me rest Alex, pagod na ako” sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito. “You can teach Loisa para siya na ang maglinis ng sugat ko starting tomorrow” matamlay na sabi niya. “No” may diin na sagot nito. “This is my fault so hanggang hindi ka nagiging okay, you’re my responsibility” sabi nito. Hindi niya alam kung anong emosyon meron kay Alex sa mga oras na iyon dahil hindi siya nakatingin kay Alex pero ramdam niya ang galit sa boses nito. “Whatever” sagot niya dito at humiga na sa kanyang kama. Narinig muli niya ang pagbuntong hininga nito bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. Nakaramdam naman siya ng pagka-guilty dahil pagsusungit niya kay Alex kahit na nabaril din ito dahil sa kanya. Dahil hindi niya alam ang nararamdaman niya ay mas gusto na lang niya munang mag isa at magkulong lang maghapon sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD