HALOS DALAWANG ARAW namalagi si Samantha sa mansyon nila dahil pakiramdam niya ay wala pa din siyang lakas para mag trabaho o sadyang kinakain lang siya ng mga iniisip niya. Dalawang araw na ang nakakalipas pero nasa isip pa din niya ang mga sinabi ni Rebecca. Kapag wala ang ama niya ay hindi siya sumasabay sa pagkain sa iba, madalas ay nagpapahatid lang siya ng pagkain kay Loisa, hanggang ngayon ay hindi pa din siya sumasagot sa mga tawag at email ni Aivee, at hanggang ngayon ay hindi pa din sila nag-uusap ni Pierre.
Tulad ngayong araw ay nagpahatid uli siya ng pagkain kay Loisa para sa tanghalian, dumating si Loisa dala ang kanyang pagkain.
“Ma’am Samantha, nag-aalala po kami sa’yo kasi halos dalawang araw ka nang nakakulong sa kwarto mo. Lumalabas ka lang kapag andyan si Don Tonny” sabi nito habang inaayos ang pagkain.
Hindi niya sinagot si Loisa at bumuntong-hininga lang. Dahil alam ni Loisa na hindi siya sasagot ay nagpaalam na ito pero nagsalita pa ito habang nasa pintuan.
“Ma’am, kung sa tingin mong naguguluhan ka dahil sa mga nangyayari, kung sa pakiramdam mong may mali sa paligid mo, kailangan mong ayusin ang sarili mo para malaman mo kung ano ang gumugulo sa isip mo kesa naman magmumukmok ka lang, wala kang magagawa” sabi nito bago tuluyang lumabas ng silid.
Nakapakunot noo siya dahil sa sinabi nito. Ano ba alam nito at kung makapagsalita ay parang alam ang nagyayari sa kanya, pero, parang sakto naman ang sinabi nito.
Mga ilang minuto mula ng lumabas si Loisa ay si Alex naman ang pumasok para linisan ang sugat niya. Napansin niya ang pagtingin nito sa pagkain na hindi niya pa nagagalaw.
“3x a day pa din ba ang paglilinis ng sugat ko?’ tanong niya dito para maagaw ang atensyon nito.
“Why your not eating?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
“I’m still full” sagot niya. “And again, 3x a day pa din ang paglilinis ng sugat ko?” sarkastikong tanong niya.
“Yes, and we’ll have a follow-up check-up tomorrow” sagot nito.
“I can manage, kami na lang ni Mang Benny ang pupunta”
Lumapit si Alex at umupo sa tabi niya para malinisan ang sugat. “No, I told you it’s m …”
“It’s my fault dahil ako ang nag decide na umalis mag-isa, hindi ako nagpaalam sa inyo, hindi ko inisip ang consequences ng pag-alis kong mag isa” pinutol niya ang sasabihin nito dahil alam niya na ang sasbihin ni Alex.
“Sam, what’s wrong with you?” nakita niya ang pag aalala sa mukha nito. “Hindi ka ganyan noong nasa batanggas tayo” sabi nito.
“Please Alex, ayaw kong makipagtalo, hayaan mo muna ako” matamlay na sabi niya.
Magsasalita pa sana si Alex nang biglang may kumatok sa kanyang silid.
“Ma’am Samantha, andyan na po si Ma’am Aivee, papasukin ko na po ba?” sabi ni Loisa na nakasilip sa pintuan.
“No, pakisabi na maghintay na lang siya sa garden, please prepare a meal din for her” sabi niya.
“Okay po Ma’am” sagot lang nito at muling isinara ang pintuan.
Tatayo na sana siya dahil tapos ng maglinis si Alex sa kanyang sugat nang bigla siyang hawakan ni Alex sa braso.
“Sam, you should eat” sabi nito.
“Hindi ako gutom” sagot niya habang nakatingin sa binata. “Kakain ako kapag alam kung gutom na ako, okay?” hinila niya ang kanyang braso para bitawan na siya ni Alex.
Hindi naman na siya pinigilan ni Alex at lumabas na lang siya agad sa silid niya.
“MA’AM, HOW ARE you?” tanong ni Aivee ng makaupo siya sa tapat nito.
“I think I’m okay, medyo pagod lang ako this past few days kaya I decided to rest for a while” sagot niya.
“You look like not okay ma’am, the way you look, the way you talk” tila nahihiyang sabi nito.
Alam naman niya kung ano ang tinutukoy nito dahil hindi niya na masyadong naasikaso ang kanyang sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya makalimutan ang mga sinabi ni Rebecca, pakiramdam niya ay naging bihag siya ng mga salita nito.
“I’m really okay Aivee, don’t worry about me” sagot niya. “By the way, I’m sorry I was not able to check all the emails, I’ll go to work tomorrow”
“You can work na po ba tomorrow?” nag aalalang tanong nito.
“Yeah, I can work tomorrow” sagot niya. “I think 2 days of rest is enough for me”
“I’m sorry Ma’am Samantha kung hindi siguro ako umalis agad sa ospital at hinintay ko muna si Loisa para may kasama si Alex sa pagbabantay sayo, sana hindi ito nangyari” sabi nito.
Napabuntong hininga siya dahil sa sanabi ng kanyang sekretarya. Bakit pakiramdam niya ang daming gustong umako ng isang kasalanan na siya ang dahilan, halos akuin din ni Alex ang kasalanan na iyon at ngayon naman ay pati si Aivee ay gusto itong akuin kahit naman alam ng mga ito na siya talaga ang may kasalanan.
Ngumiti na lang siya dito. “By the way, I will review all the documents this evening so that tomorrow okay na tayo sa office, do we have a meeting for tomorrow?” pag iibang paksa niya.
“No Ma’am, wala po tayong meeting for tomorrow, we can review our schedule tomorrow for this week at mag align po tayo para sa mga days na wala ka” sabi nito, hindi pa din nito ginagalaw ang pagkaing binigay ni Loisa kanina.
“Yeah, sure. Why your not eating?” tanong niya.
“Hmm …” nakita niya ang pagdadalawang isip nito kung sasagutin siya nito o hindi, pero sumagot pa din ito. “… Actually, it’s kind of awkward na ako lang ako ang kakain habang nag uusap tayo” nahihiyang sabi sayo.
“Don’t mind me, medyo busog pa talaga ako” pagsisinungaling niya sa kausap dahil ang totoo ay wala lang siyang ganang kumain. “Please, feel at home” nakangiting sabi niya.
Sinunod naman siya ni Aivee at nagsimula ng kumain. “By the way Ma’am, nakapag-usap na ba kayo ni Sir Pierre? Mula nang mabalitaan niya na na kidnap ka halos araw araw siyang tumatawag sa akin para makibalita dahil hindi niya din makontak ang Daddy mo” sabi nito habang kumakain.
Mula ng mapunta siya sa Batanggas ay hindi niya pa nakakausap si Pierre at alam niyang nag aalala na din ito sa kanya, pero hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap dito lalo na pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ito sa tuwing hinahawakan siya ni Alex o sa tuwing nagkakatitigan sila.
“Ilang beses din siyang pumupunta dito pero laging wala si Don Tonny kaya hindi niya alam kung saan ka niya hahanapin, binigay ko din yung contact ni Alex pero hindi din sumasagot si Alex” pagpapatuloy nito.
May kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata ni Aivee habang nagkukwento, pakiramdam niya ay may pagtingin talaga ang kanyang sekretarya sa kanyang bodyguard pero agad nawala ang emosyon na iyon sa mata nito nang mapansin nito ang pagtitig niya dito.
Tumikhim ito at tumingin sa kanya ng deretso bago muling nagsalita. “Halos mabaliw na sa pag aalala sayo si Sir Pierre dahil sa pagkawala mo, pero hanggang ngayon hindi mo pa din siya tinatawagan” sabi nito na kinagulat niya.
Hindi niya alam kung bakit pero tila may dating ang sinabi nito. “What do you mean?” pagtatakang tanong niya.
Mukha naman itong nahimasmasan nang magtanong siya dito. “I mean, naaawa lang ako kay Sir Pierre kasi parang wala siyang magawa para protektahan ka” sabi nito na halatang umiiwas ng tingin sa kanya.
“It’s okay Aivee, I will call him later. He is a good man, alam kong maiintindihan niya kung bakit ako kailangang itago ni Daddy” sabi niya.
Bahagyang ngumiti sa kanya si Aivee. “So, since nahuli na yung suspect sa pagkidnap sayo, are you free now to go alone? Remember malapit na ang company outing natin” pagbabagong paksa nito.
Sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya, hindi niya na din maalala ang iba pang okasyon na meron sa paligid niya at kung malapit na ang company outing nila ibig sabihin malapit na din ang anniversary nila ni Pierre. Madalas ay hindi siya nakakasama sa company outing nila dahil nagkakataon na umaalis din sila ni Pierre.
“We can discuss it tomorrow” sabi lang niya. Kailangan niya munang makausap si Pierre bago siya magdesisyon kung sasama siya o hindi.
Tumango sa kanya si Aivee. “Hmm … ” nakita niya ang pag aalinlangan sa mukha ng kanyang sekretarya. “…Ma’am hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo pero kamusta kayo ni Alex? Kasi kanina pa siya nasa beranda mula ng dumating ka at paminsan minsang tumitingin sa direction natin” nahihiyang tanong nito.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. “He feels guilty dahil sa nangyari sa akin kaya binabantayan niya ako” sagot niya.
“Oh I see” sagot lang nito.
“He's not my bodyguard anymore, as per dad I can manage my own na since nahuli na si Rebecca” sabi niya.
Pasimple siyang tumingin sa beranda kung nasaan si Alex at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga mata.